CHAPTER 10: Kalawakan

1.9K 112 125
                                    


Trigger warning: violence, assault, misogyny

____________________________


NICCO

ISANG buong araw na naman ang lumipas sa school na wala akong naintindihan ni isa sa mga tinuro.

"Magkikita kayo ni Sab?" tanong ko kay Storm na kasalukuyang kumakain ng takoyaki. Pang-apat na order na niya ng takoyaki, hindi pa ba 'to nabubusog?

Ang dami na naming nakain dito sa tapat ng school. Bundat na bundat na ko. Kumakain talaga kaming apat dito pagkatapos ng klase kahit pinagbabawalan kami ng mga Prof kumain ng streetfood.

Pagkatapos naming kumain saka ko pinupuntahan si Jayla sa unit niya. Ayaw kong lumipas ang araw na hindi ko nakikita si Jayla.

"Oo, magkikita kami mamaya. Bakit?"

"Wala, may tatanong lang ako."

"Ako na magtatanong. Ano 'yon?"

"Territorial Stormy namin!" banat ni Stephen kaya siniko siya ni Storm.

Kwinento ko sa kanila ang nangyari kahapon, ang pamamahiya ng Tricia na 'yon kay Jayla at kung paano ko siya binantaan kahapon. Gusto ko ulit tanungin si Sab kung may alam ba siyang baho ng Tricia na 'yon.

Kinulit ko siya nang kinulit kahapon pero hindi niya sinabi sa'kin dahil hindi raw siya sigurado at masama raw mangtsismis ng kapwa.

"May point si Sabbbyyy!" hirit ni Mike.

Tinignan ko si Stephen na para bang naghahanap ako ng kakampi.

"Actually," sagot niya.

Nilingon ko naman si Storm.

"Tama lahat nang sinasabi ni Sab," sagot niya habang puno ang bibig ng takoyaki. "Walang mali sa kanya."

Mabulunan ka sana.

"Uwi na nga ako. Hindi niyo naman ako kinakampihan." Sinuntok ko muna silang tatlo sa sikmura at saka pumunta sa kotse ko. May lakad kasi si Jayla kasama sina Chase at Angelo ngayon kaya hindi na ko pumunta sa unit niya. Nagkita naman kami kaninang lunch.

Habang nagda-drive pauwi ay kung ano-ano nang naglalaro sa isip ko kung paano ko maigaganti si Jayla sa Tricia na 'yon.

Pagdating sa bahay ay nagtaka ako bakit nandito ang kotse ni Daddy eh sabi niya kagabi may meeting siya ngayong hapon. Director kasi si Daddy ng sariling hospital ng pamilya namin, ang Jose Cadiente Memorial Medical Center kaya busy siya sa buhay.

Sina lolo at lola sa side ni Daddy ang owner niyon at ipinamana na kay Daddy. Dalawang lalaki at dalawang babae ang anak nina lolo at si Daddy ang panganay kaya sa kanya pinamana.

Si Mommy naman ay dentist at may sariling clinic dito sa subdivision namin. Pamilya rin sila ng mga dentist.

Pagpasok ko sa loob ay nagtaka ako dahil nasa sala silang lahat. Sina Mommy at Daddy, sina Kuya at Ate.

"Ano pong meron?" tanong ko.

Napatingin silang lahat sa'kin at iba-iba ang mga emosyon nila.

"Bakit po—"

Nagulat ako nang bigla akong sunggaban ni Daddy at kwinelyuhan. Agad naman siyang inawat nina Kuya.

"Wala ka talagang kadala-dala?!"

Nagulat ako sa ginawa ni Daddy. Ito ang ikalawang beses na nasaktan niya ko. Iyong una ay noong kumalat ang video namin ni Jayla.

"Dad, tama na," sambit ni Kuya Lux.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Kde žijí příběhy. Začni objevovat