CHAPTER 04: What Goes Around, Comes Back Around

2.8K 135 112
                                    

WARNING: Contains bad and vulgar words.

NICCO

"BEE!" Agad kong tinawag si Jayla pagkapasok ko ng unit niya. "Jayla! Saan ka?"

Lumabas si Ate Mira mula sa kwarto ni Jayla. "Sir, nasa loob po si Ma'am, malapit na pong maubos kuko niya."

"Sige po. Salamat." Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at nakita ko si Jayla na nakaupo sa kama at kinakagat ang kuko niya. Naka-cross legs siya at nakaupo ng tuwid, sobrang elegante niyang tignan pero bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Jayla..." Tumabi ako sa kanya.

"Nicco." Nilingon niya ko at mas lalo kong nakita ang takot sa mukha niya.

Kinulong ko ng mga palad ko ang pisngi niya kasama ang buhok sa gilid ng mukha niya. "I'm sorry. I'm sorry, Bee." Hinaplos ko ang buhok niya. "Babalik ako sa shop, kakausapin ko 'yong technician."

"It's risky, Nicco. Anong itatanong mo sa kanya kapag bumalik ka doon? Anong sasabihin mo sa kanya?"

"Pero ayokong nag-aalala ka nang ganyan. Hindi rin ako mapapakali."

"I'm okay, Nicco. I just overreacted I guess. Ang OA ko ba to the point na pumunta ka pa dito? Sorry, Nico. I'm too sensitive. Sobra lang siguro akong nag-overthink kaya kung ano-anong negative thoughts ang pumapasok sa isipan ko—"

"Janica."

She paused and her lips started to tremble.

"Your feelings are valid. Hindi ka OA, hindi ka sensitive. Huwag mong maliitin ang nararamdaman mo."

"Nicco..."

Isinabit ko ang buhok niya sa likod ng tainga niya. "Hangga't maaari, kumalma ka muna. Sa isang araw na release ng result ng exam nating dalawa, hindi rin magandang madami kang iniisip."

Tumango siya.

"Dinner date tayo mamaya, dito na rin ako matutulog."

"Thank you, Nicco."

Muli kong hinaplos ang buhok niya at saka siya hinalikan sa noo.

I admit, I used to invalidate Jayla's feelings. I mean, matalino si Jayla. Sobra. Kaya dati kapag sinasabi niya sa'king kinakabahan siya kapag labasan ng results, palagi kong iniisip na nag-iinarte lang siya. Kahit si Storm, nang nalaman kong hindi siya sumasakay sa elevator iniisip ko noon na nag-iinarte lang din siya.

Pero nang nagtagal, nang na-realize kong wala ibang sinasabihan si Jayla na kinakabahan siya kung hindi ako lang, nang napansin kong hindi niya pinapahalata sa ibang tao ang kaba niya, nang nakita kong umiiyak na siya sa sobrang kaba, doon ko napagtanto kung gaano ako kagago.

Pwede ka palang kabahan sa exam kahit matalino ka, pwede palang matakot sa rides kahit malaki kang tao, pwede ka palang maging malungkot kahit ikaw ang joker ng tropa, pwede palang umiyak dahil sa binabasa mong kwento o pinapanood mong movie kahit lalaki ka.

Pwede naman pala.

Wala naman palang masama.

Normal lang pala 'yon.

Kasi tao ka.

Jayla thought me a lot of things, at hindi niya alam 'yon. Hindi niya alam kung anong magagandang bagay ang dinulot niya sa'kin. What would I do without her? Ni hindi ko ma-imagine ang isang buong araw na walang Jayla.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.

"I love you."

"Nicco naman, eh. Ever since na lang ang random mo mag-I love you."

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Where stories live. Discover now