Summer Love - Scene 2

200 1 0
                                    

Magkahawak kami ng kamay ni DJ habang naglalakad sa dalampasigan at nakatingin sa buwan. 

Pinapakiramdaman yung lamig ng hangin at hampas ng alon.

Naisip ko, kung matagal ko na kayang nakilala si Patrick, may pag-asa kaya kami?

Mag wowork out kaya yung relationship kung siya yung naging boyfriend ko at hindi si Christian?

Pero naisip ko rin, kung may gusto sa akin si Patrick, matagal na niiyang sinabi sa akin yun.

Umupo kami ni Patrick sa buhangin, natahamik ng saglit. 

Dala pala niya yung camera ni Jaeson, he took a picture of me. 

Then he spoke, "Photogenic ka pala eh." 

"How can I not be? I'm a model, nakalimutan mo na ba? Hahaha!" 

Pagbibiro ko naman sa kanya.

"Pero mas maganda ka pag nakangiti." 

Sabay tingin ulit sa camera at kinuhanan ako ulit ng picture.

He wrapped his arms around me and I laid my eyes on him then leaned on his shoulder.

It's getting late, kaya pumasok na rin kami sa loob ng bahay at nagpahinga. 

At dahil nga nasa Balesin Island Club kami, hindi na namin kailangan lumabas pa para lang sa mga recreational activities.

Kinabukasan pumunta kami sa mga souvenir shops sa, namili ng mga souvenirs dahil last day na nga namin. 

Nag frisbee kasama sina Jaeson at Tammy.  Nag wake boarding. Sumakay ng zipline ng magkahawak ang kamay.

Nag airsoft shooting range. Nag snorkeling, nakipag laro sa mga isda sa ilalim ng dagat kasama si Patrick. 

Hindi na rin masama, dahil kayang kaya naman pala niiyang maging mabait sa mga isda.

Balesin Island Club is a paradise. Our last day was the best day ever, naisip ko tuloy, pwede bang paki extend naman yung summer ko?

Bumalik na kami sa cabana namin. 

Hila hila ni Patrick yung kamay ko papunta sa duyan sa ilalim ng puno.

Sa lahat ata, itong duyan na 'to yung mamimiss ko dito sa Balesin. 

Habang nakahiga kami sa duyan, nakatingin lang ako sa dagat na parang nag aayang magtampisaw.

Nakahiga sa duyan sa ilalim ng isang puno.

Sumasayad ang mga paa sa buhangin.

Walang ibang naririnig kundi ang huni ng mga ibon at hampas ng alon.

Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog siya sa tabi ko.

Ang sarap tignan ng mga pilik mata niya. 

Napapangiti na lang ako.

Unti unti niyang dinilat ang mga mata niya.

Tumingin siya sa akin ng nakangiti.

Hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at nang malapit na ang mukha namin sa isa't isa, nakatingin lang ako sa kanya, nang biglang may sumigaw . . . 

"Patrick!" Napatayo si Patrick. 

"Okay, cut!" Sigaw naman ni Tammy. 

"What the hell, Belinda! We're about to finish the last scene!" Sabi ni Tammy sa babaeng dumating.

"I'm sorry! I didn't know." Sagot naman ng babae.

"It's okay, Tammy. Let's just do it one last time." Sabi ko kay Tammy. 

"And she is?" Tanong niya kay Tammy.

Ako na ang nag pakilala sa sarili ko, hindi maganda yung pinakita niyang ugali, sino ba siya para sumigaw ng ganun? 

Eh di sana tapos na yung ginagawa naming music video. 

"I'm Ella. . . Ella Belrose." I told her.

"Ella Belrose?! OMG! You're Ella Belrose! I know you! Aren't you the model from Paris?" She said excitingly.

I nodded. "Oh gosh, I'm a fan!" She said. 

Tinabihan siya ni Patrick.

"Hon, I am so proud of you! You're working with the amazingly stunning Ella Belrose!"

"Hon?" I asked.

"Yeah, by the way I'm Belinda Ortega." And then she smiled.

"Girlfriend ni Patrick. . ." Sabi naman ni Tammy.

Napatingin sa akin si Patrick. Like he wanted to explain.

"Nice meeting you Belinda." Sabi ko na lang. 

"Ella, si Bambi pala, girlfriend ko." Pagpapakilala naman ni Josh.

"Hi Ella! It's so nice to finally meet you!" 

Then I gave her a questioning look. 

"Well, I'm a fan of yours! I didn't know na kaibigan ka pala ni Samantha. Grabe, I've been wanting to see you kahit sa Philippine Fashion Week lang kaso you've never attended any." 

Sabi niya while holding my hand.

"Then, we might as well take a picture." I said nicely.

Pumasok na rin kami sa cabana pagkatapos para mag dinner.

I was in the most awkward situation. 

They all have someone with them.

Jaeson was with Tammy, Wiinston was with Britney, Josh was with Bambi and Patrick was with Belinda. 

And yes to clear things out. We were just shooting a video for Tammy's project. So yeah. everything's scripted. 

Nawalan ako ng gana kumain, kaya I decided to excuse myself and go for a walk outside.

"Magpapahangin lang ako sa labas." Sabi ko kay Tammy. 

I went outside the Cabana and decided to rove around the island. 

Pumunta ko sa pool bar to get some drink. It's around 8:30 PM kaya hindi pa sarado.

I wasn't expecting this kind of ending. I was actually looking forward for a better one. 

Like, Patrick running after me in the airport. Stopping me from leaving the country and ask me to stay with him.

But that won't happen. 'Cause he has a girlfriend. 

Summer LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang