Summer Love - Getting To Know You

102 2 0
                                    

Ang aga kong nagising ngayon, paglabas ko ng vacation house may tao sa ilalim ng puno.

Tumutugtog ng gitara. Ang ganda pala ng boses niya, wala sa itsura ha.

I wanna make you smile, whenever your sad, carry around when your arthritis is bad, all I wanna do is grow old with you. . .

"Marunong ka pala kumanta eh." 

Napalingon siya sa akin, pero hindi niya ko pinansin.

Ang sungit naman nito. Akala mo kung sinong gwapo.

Oo gwapo siya, matangkad, maputi. 

Nung isang araw ko pang napansin na hindi siya nag sasalita.

Pipi siguro siya. 

Tumigil siya sa pag tugtog. Tumayo, tapos pumasok sa loob. 

Ngumiti na lang ako, napabuntung hininga. 

Bakit ko naman siya pipilitin pang kausapin ako.

"Pasensya ka na El ha, nahihiya lang siguro yung si Patrick."

Sabi ni Tammy habang papalapit siya sa akin.

"Okay lang." Sabi ko naman.

"Sinubukan ko lang naman siya kausapin." Dagdag ko pa.

"Kamusta pala kayo ni Enzo?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang. Nagtatampo nga kasi hindi ko daw siya sinama dito."

"Eh bakit nga ba hindi mo sinama?" 

"El, alam mo naman yung sitwasyon namin ni Enzo diba?" 

Napatango na lang ako. Mahirap nga naman yung sitwasyon nila. 

Sina Britney, Winston nasa may tabing dagat, masayang nagkukulitan, nagtatampisaw sa dagat. 

Hindi ko tuloy maiwasang maalala yung huli kong punta dito sa Balesin. 

Pero hindi ko na 'to dapat inaalala eh. Iniwas ko yung tingin ko kay Britney at Winston. 

"Gusto mong mag island hopping?" Biglang may nagsalita sa likod ko.

Lumingon ako. Si Patrick.

"Oo, kaso wala namang mag aaccompany."

"Sumunod ka na lang kung gusto mo." 

Ang sungit talaga niya. 

Sumunod ako sa kanya, wala rin naman kasi akong ibang gagawin. 

"Oh nasan na yung isang jetski?" Tanong ko ng makita kong isa lang yung nandoon.

"Gamit ni Britney at Winston." Sagot naman niya.

"Ha? Eh paano ako?"

"Kasya naman siguro tayong dalawa dito diba?"

Tumingin siya sa akin. At nagsalita ulit.

"Ano sasama ka ba?"

Umangkas ako sa likod niya at hindi na nag inarte pa. 

Sinuot namin yung mga vests. 

"Kumapit ka." Sabi niya bago paandarin yung jetski.

Humawak ako sa balikat niya.

Pero nung magsimula ng umandar yung jetski at naramdaman ko yung bilis na pagtakbo.

Napayakap ako sa kanya.

Tatlong isla na yung napupuntahan namin, pagdating sa pang-apat na isla ay naka apak ako ng bubog.

"Yan hindi ka kasi nag iingat." 

Hindi ako makatingin sa paa ko kasi takot ako sa dugo.

Ang sakit at ang hapdi. 

Hinubad niya yung shirt niya at pumilas ng kapiraso saka ibinalot sa paa ko.

"Masakit pa ba?" Tanong niya.

Tumango ako. 

"Halika na, umuwi na tayo, bago pa tayo abutin ng dilim." 

Dumiretso na siya sa jetski, nagtaka siguro siya kung bakit ang tagal ko kaya binalikan niya ako ng tingin.

Nahihirapan akong maglakad. 

Nagulat ako nung naglakad siya papunta sa akin at binuhat ako. 

Nang makabalik na kami sa isla namin, binuhat pa rin niya ako papasok sa bahay at nilapag sa upuan sa sala. 

Ang laking pagtataka nila Tammy ng makita nila yun, pati si Jaeson.

"What happened?!" Tanong ni Tammy.

"Are you okay?" Pag aalala na naman ni Jaeson.

"It's nothing. Just a little wound. We went island hopping kasi and then nabubog ako. Buti na lang nandun si Patrick." Sagot ko naman.

Inalalayan ako ni Tammy papasok sa kwarto para makaligo at makapag pahinga na ako. 

Summer LoveWhere stories live. Discover now