Summer Love - Balesin

182 3 0
                                    

Ang ganda ng paligid. 

Ang sarap sa pakiramdam ng simoy  ng hangin.

Pati na rin ang sikat ng araw, tama lang at hindi nakakapaso sa balat.

Ang tahimik ng paligid. 

Malayo sa gulo. 

Malayo sa ingay ng Manila.

Malayo sa polusyon at traffic ng siyudad.

Dahilan kung bakit sobrang excited akong mag summer.

Nakatingin lamang ako sa dagat na parang nag aayang magtampisaw. 

Nakahiga sa duyan sa ilalim ng isang puno.

Sumasayad ang mga paa sa buhangin.

Walang ibang naririnig kundi ang huni ng mga ibon, at ang hampas ng alon.

Siguro kung kailangan mo ng peace of mind, ito na ang best solution!

Ito na nga ata ang ideal summer vacation para sa mga taong katulad ko.

Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog sa tabi ko, rito sa duyan.

Sino ba naman kasing hindi makakatulog sa mapayapang paligid kung nasaan kami.

Ang sarap tignan ng mga pilik mata niya. 

Napapangiti na lang ako.

Unti unti niyang dinilat ang mga mata niya.

Tumingin siya sa akin ng nakangiti. 

Hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at binigyan ng isang matamis na halik.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon