"Cora, ipahanada mo ang kalesa," ma-awtoridad na sambit ko.

Hindi na naituloy ni Cael ang sasabihin niya nang unahan ko siyang magsalita.

Hindi na niya kailangan pang sabihin sa akin—alam ko na.

Tinapunan ko ng tingin si Ethan na may nangungusap na mga mata.

Mabilis niyang naintindihan ang pinupunto ko at isang tango ang sinagot niya sa akin.

"I-I'm sorry. I have to go," pagpapaumanhin ko.

"No need to apologize Helena. Hurry," sagot sa akin ni Ethan. Seryoso niya akong tinignan.

Kahit hindi alam ang nangyayari ay pinili niyang manahimik na lang muna at hayaan ako.

Nagmamadali akong lumabas ng mansyon. Hindi ko inalintana ang mga pares ng mata na sinusundan ako ng tingin.

Kapwa kaming pumasok ni Cora sa kalesa.

"To the Lunar Academy," walang ekspresyon na utos ko.

Mahigpit ang pagkahahawak ko sa pambaba ko habang patuloy sa pagtakbo ang kalesa. Sobrang bilis ng pagtakbo nito at sigurado akong hindi hihigit sa dalawang oras lang ang magiging byahe namin.

Napaismid ako sa sarili ko.

Hindi ko magagawang gamitin ang gift ko ng ganito kalayo. Panigurado akong patuloy pa rin ang oras sa Academy.

May tiwala ako sa mga estudyante ko. Hindi sila mga basta-basta.

Pero isang libo ang papunta ngayon sa paaralan ko. Ni hindi ko man lang maaninagan ang mga mukha nila dahil mga nakatakip ito.

Mukhang alam na nilang nakikita ko ang hinaharap at naghanda talaga sila.

Tsk, siguraduhin din nilang handa na silang mamatay.

Nagkamali sila ng paaralan na pinuntahan.

Sa oras na maabutan ko sila roon ay sinisigurado kong walang matitira.

Patuloy sa pagtakbo ang kalesa nang bigla na lamang akong nahirapang huminga.

For the second time, I saw a glimpse of the future.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang masilayan ang mansyon nina Ethan at Prisma na nasusunog.

Nagkagulo sa kaarawan ng una nilang anak na si Scarlet.

Parang gumuho ang mundo ko nang makitang umiiyak si Prisma hawak-hawak ang damit ni Scarlet.

Muli akong bumalik sa kasalukuyan.

"S-Stop!" mabilis na sambit ko.

Malalim ang paghinga ko habang nakatingin sa kawalan. Napalunok ako nang malalim.

"P-Principal? A-A-Ano pong p-problema?" nag-aalalang tanong ni Cora.

Hindi kaagad ako makasagot.

Sobrang bigat ng paghinga ko at tila nanlalamig ang buong kong katawan.

Anong... gagawin ko?

Magpapatuloy ba ako papunta sa Academy para iligtas ang mga estudyante ko?

O babalik ako sa Naeyo... para pigilan ang pagsunog?

Sigurado akong magagawa ko pang pigilan ang mga nakita ko sa hinaharap...

Pero kailangan kong pumili ng isa...

Napahawak ako sa ulo ko.

Help... me.

I can't... choose.

Parang nandidilim ang paningin ko at hindi ko magawang makakita ng kahit ano.

Tanging pagtakip lamang ng mga tenga ko ang nagawa ko.

Scarlet...

Evan...

Help me.

Who should I choose?

The family that I sworn to protect?

Or the people who made me feel what a real family is like?

Napuno ng katahimikan ang paligid.

Parang huminto rin sa paggalaw ang oras.

Hanggang sa nakarinig ako ng pamilyar na boses.

"You've done enough. This time, choose yourself."

Tila natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Scarlet.

Muli akong bumalik sa katinuan at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Cora.

Inalala ko ang sinabi ng babaeng narinig ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at huminga ako nang malalim.

"N-Nothing.... Let's continue."

Nagpatuloy kami sa pag-andar. Kahit sobrang bigat ng paghinga ko ay sinisigurado kong wala akong pinagsisishan sa desisyon ko.

Nagawa naming makarating sa Academy sa tamang oras.

With the help of the teachers, we managed to stop the Gifteds from attacking my school.

Kahit nagawang makatakas ng iba ay sinigurado kong mawawalan ng hininga ang mga indibidual na nakaharap ko.

Matapos n'on ay hindi rin nagtagal ay umabot sa akin ang balita.

Nasunog ang mansyon nina Ethan at Prisma Portugal.

Sinasabing hindi nakaligtas ang nag-iisang anaknila.

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedWhere stories live. Discover now