(7) Seven

334 43 6
                                    

ALEXIS

It seems like... what happened last night didn't bother her at all. Ni hindi nga siya natakot manlang o ano. Siguro nga normal nalang sa kaniya iyon.

Normal my ass. Halatado namang hindi normal iyon.

"What?" tanong niya sa akin, pabulong. Napa-simangot nalang ako at inis na iniwas ang paningin ko sa mahadera. Ipinokus ko ang paningin ko sa teacher na nag-tu-turo sa harapan. Tsk.

"Uy, bakit nga kasi? May sasabihin ka ba?" muling tanong niya sabay tusok ng hintuturo niya sa braso ko.

Ang kulit!

"Wala nga sabi. Parang tumingin lang, eh. Kaloka, bumalik ka nga sa pwesto mo."

"Tumingin daw. Eh, five minutes ka na ngang lingon nang lingon sa akin. Crush mo na ako?"

Goodness gracious!

Hindi ko nalang siya pinansin dahil masisira lang ang beauty ko. Itinuon ko ang pansin ko sa nag-tu-turo sa harapan. Pero muli na naman akong natigilan at mas lalong tumaas ang percentage ng pagka-irita ko nang bigla ba namang yumakap ang gaga sa braso ko! How dare she?! Gosh!

"Stop. It," madiin at pabulong na sambit ko. "Stop it, Nora. The hell is wrong with you?" Hinila ko ang braso ko palayo. But I heard her giggle and hindi siya nakikinig! Gyah! Kadiri!

Grrr!

Hindi ako pwedeng magwala kasi may teacher!

Kaya naman kahit labag sa kalooban ko ay hinayaan ko siya. Nag-ta-taas-an ang mga balahibo ko sa pan-di-diri, pero kailangan kong tiisin. Hindi ko pwedeng i-balibag ang babaitang ito dahil ako naman ang iba-balibag sa Guidance Office ng teacher namin!

At hanggang sa natapos nga ang isang subject namin. Saktong pagka-labas ng teacher namin ay agad na hinablot ko ng malakas ang braso ko paalis kay Nora Aunor. Pero mukhang napa-lakas yata dahil natumba siya sa sahig.

Owemji. Bumagsak siya. Malakas ba masyado ang pag-hablot ko sa sarili kong braso? Na-punta tuloy ang atensiyon sa akin ng mga kaklase ko. Sesh.

Agad na tumayo si Mahadera at pinagpagan ang sarili niya.

"Grabe ka naman, masyado kang mapanakit," aniya. "Alam ko namang ayaw mo sa 'kin, pero wala namang hagisan sa sahig, ano?"

Hindi ko naman sina-sadya iyon, eh.

Pero hindi na ako nag-salita. Umirap lang ako at sumilip sa bintana. Hindi ko na nga namalayan na uwian na rin pala dahil biglang tumunog ang bell. Last subject nga pala namin palagi ang Math. Iyon na ang huli kanina.

I heaved a deep sigh. Kinuha ko ang bag ko at inayos muna ang mga gamit ko saka ako tumayo at dumiretso sa pinto ng room namin. Agad din akong lumabas at nag-dire-diretso na patungong hagdan. Wala akong balak gumala ngayon kasi pagod na rin ako dahil maaga akong pumasok dahil sa practice namin.

"Alexis!"

Ugh. Come on.

"Sandali lang, okay ka lang ba?"

Napa-irap nalang ako at hinarap si Nora Aunor. Sinundan niya ako, obviously. At saka, walang masyadong dumadaan dito sa hagdang dinadaanan ko. Masyado kasing madilim at maaarte ang mga schoolmates kong feeling pogi at pretty. In short, pwede akong mam-bugbog ng mahadera rito.

"Stop it, can you?" inis na sambit ko. "Dikit ka nang dikit sa 'kin, may gusto ka ba sa 'kin, ha?"

Tumango siya. Tatlong beses.

At ako naman ay napa-tanga sa mukha niya. Literal na napa-nganga ako dahil ang bilis niyang sumagot ng oo. Wala manlang pag-da-dalawang-isip! As in, oo agad-agad! Ang gagang ito talaga!

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz