(13) Thirteen

255 37 33
                                    

ALEXIS

I want to talk to her so badly. But I ended up failing because she doesn't want to speak at all.

Like, ghorl, anue ba?

"Hey!" inis na sita ko sa kaniya saka agad na hinablot siya sa braso. Ew, skin contact. But I just can't help it. This girl is too freaking stubborn. "Ano ba, Nora, my ghad." I rolled my eyes heavenwards. Inis na binitiwan ko siya, tinaasan ko siya ng kilay. "What's your problem ba kasi?" tanong ko.

Pero she was just looking at me like I'm some kind of an idiot. Aba't—kanina pa ang babaitang ito! Since pumasok siya kanina, na as usual, late siya, aba, eh, ayaw mamansin. Akala mo naman maganda. Tse! Tapos hanggang ngayon ba naman na uwian na, ayaw niya pa rin mamansin? Eh, kung sabunutan ko kaya siya at nang maloka siya? Hmp.

"Wala akong problema," agad na sagot niya. See? Wala raw siyang problema. Eh, mukhang mas problemado pa yata siya kesa sa mga naghahanap kung saan napunta ang 15B sa PhilHealth.

I snorted. "Wala raw."

"Just... don't ask," aniya sabay lakad palayo. Kunot-noong pinanood ko siyang maglakad with her hair na nag-s-sway pa sa hangin, 'kala mo si Pocahontas. Medyo madilim na rin ang hallways dahil ilan nalang ang ilaw na nakabukas—pero... ARGH. What a pain in the ass. Tss.

Naglakad nalang din ako sa gawi kung saan siya dumaan. I feel irritated. Super. I feel like I'm a dumbass. Para akong pretty na timang na kanina pa sunod nang sunod sa kaniya because I wanna know what the hell is happening to her. Well, is that bad thing? It's not. Insecure akong nilalang pero hindi masama ang budhi ko, 'no.

"Hoy," tawag ko muli sa kaniya nang maabutan ko siya. Ghad, advantage of having such long legs. Yipieeh. "Why don't you just tell me what's bothering you? Hindi naman kita iba-blackmail."

Mas binilisan niyang maglakad at hindi manlang siya sumagot. Grr. Ang gagang ito!

Okay, calm down, Alexis. Masisira ang beauty mo. Just... inhale... exhale.

"It'll be a secret between us, Nora. Just tell me, duh."

Bigla siyang tumigil sa paglalakad. I'm facing her back, at ngayon ko lang na-realize na pandak pala siya, o sadyang tumangkad lang talaga ako kasi nga nasa genes namin ang pagiging matangkad at perfect beauty.

"Shut up already," mahina pero madiing sambit niya. "Wala akong problema, at kung meron man..." Inayos niya ang pagkaka-sukbit niya sa bag niya. "...mind your own business."

WHAT?!

Naglakad muli siya palayo.

Ang gagang ito!

"Ang kapal ng feslak mo, huh! Ako na nga ang concern, ikaw pa ang galit?!" asar na singhal ko sa kaniya dahil wasak na wasak ang pride ko dahil—gyah! Nakakainis!

Nilinga niya ako at nginisihan ng nakakaloko. "Sino ba kasi nagsabi sa 'yong maging concern ka, ha?"

H...Huh?

"Sabihin mo lang kung crush mo 'ko, hindi naman kita ire-reject," dugtong niya pa ulit. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako agad nakapag-salita, at bigla siyang natawa dahil sa reaksiyon ko. Walang sali-salitang naglakad muli palayo, iniwan ako na naka-tanga lang sa likuran niya.

"Gyah! Ang kapal ng mukha mo!" na-i-tili ko nang bumalik ang katinuan ko, kaso hindi niya na narinig pa dahil wala na siya. Hmff!

Inis na napa-sabunot ako sa pretty and silky hair ko.

Ang gagang iyon, ang kapal ng feslak!

"Huwag mo siyang tigilan."

"Ay, gaga!" tili ko nang may kung sinong nagsalita sa likuran ko. Agad kong nilingon kung sino iyon, and oh, lalaki na hindi ko knows. Good looking and nerdy because of his eye glasses and may bitbit siyang books. At base sa school uniform niya, ka-school mate ko siya. Duh. Obviously.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant