Prologue

890 72 48
                                    

ALEXIS

"Ew, maliit lang ang hotdog ko, ano!" nandi-diring asik ko sa kanila saka ko hinawi ang shiny at maganda kong hair.

Like, ew. I mean, really, really ew talaga. Bakit ba trip nila akong asarin na masyado akong "fafa" para maging beki? Saka sayang daw ang hotdog ko kasi palagi raw naka-bakat!

Ew. Pati ba naman iyon ay napa-pansin ng mga malalanding mga babae ito? Naka-kaderder talaga ang mga babae. I mean, iyong mga babaeng may mani. Sesh. Pati ba naman below the belt ko ay dapat pang pansinin? Blame my genes, duh.

"Bwahahaha!" Humalakhak si Jamaica. Lumalaki at lumiliit ang butas ng ilong niya kapag tuma-tawa siya. "Letche, McGregor! Anong maliit? Nakita ko 'yan sa banyo kasi sinilipan kita! Ang laki kaya ng itik mo!"

Napa-takip ako sa bibig ko dahil sa pagka-shock.

O to the M to the G! Did she really said it? I may be a beki but my bunganga is not that bastos, ano!

"You're gross, ano ba!" tili ko saka malakas na hinampas siya sa braso. "Ang gross mo, teh! Ang gross-gross mo!"

Humalakhak pati si Jake-ehem-crush ko, hihi! Ano kasi, mga teh. Ang cute-cute kasi niyang si Jake at ang bango-bango. Saka mabait siya sa akin at palagi niya akong kina-kausap kahit na obvious naming dapat niya akong kausapin kasi kinakausap ko siya. Pero kasi-ihhh. Enebeyen.

Nakagat ko ang lips ko nang isuklay niya ang kaniyang mga daliri sa buhok niya. At saka siya ngumiti sa akin. Labasan ang mga ngipin niyang may naka-dikit na bakal-I mean, braces.

"Nakaka-tuwa naman kayo," ani fafa Jake. "I thought boring kayong kasama," sambit niya saka sinuklay niya muli ang buhok niya.

"Gross? 'Di ba Tagalog nu'n ay damo?" naka-ngising tanong ni Jamaica saka muling tumawa habang sumisinghot na parang baboy.

Naka-simangot na tinitigan ko siya.

Para siyang si papa kung mag-joke. Isang malaking WALEY. Pero mas okay naman si Jamaica. Si papa kasi, wala nang chance sa life.

Sinuklay ulit ni Jake ang buhok niya. "Anong oras na ba, guys?"

Tiningnan ko ang wrist watch ko. "7:30am, why? Wala pa si ma'am, eh."

Muli ay sinuklay niya na naman ang buhok niya gamit ang kaniyang mga daliri. "Sana wala si ma'am," aniya sabay ngiti muli. 'Yung ngiti niya ay pati gilagid ay labas. Para bang pina-pangalandakan niya ang braces niya sa ngipin.

It's okay. Cute naman siya, ih.

Tinitigan ko ang cute niyang mukha. Muli niya na namang sinuklay ang-Oh, gosh! Ako ang napa-pagod sa ginagawa niya!

Kaya naman tumayo ako para lumayas. Kasi naman, mukhang gustong dakutin ni Jamaica ang hotdog sa loob ng pantalon ko, and that's very eww. Kaya naman imma head out na before pa ako maloka rito.

"Punta lang akong CR, guys. At Jamaica," Tinitigan ko ng masama si Jamaica. "Huwag kang susunod, ah! Kadiri ka."

Ngumisi siya. "Pwe, malaki-itik."

Nilingon ko naman si Jake na muli na namang sinuklay ang buhok niya habang naka-ngiti sa akin ng napaka-lawak.

Oh, gawd-damn!

Pilit akong ngumiti saka ako dire-diretsong lumabas ng aming classroom. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak pumunta ng banyo. Gusto ko lang talagang maka-layo sa mga friends ko kasi mas malakas pa ang mga saltik nila kesa sa mga kapatid ko.

Oh, speaking of kapatid.

May ate ako. Maharot siya at nakaka-inis ang pusa niyang laging umiihi sa mukha ko kapag natutulog ako! Like, oh my gosh, paano niya natitiis na dumihan ang maganda at makinis kong face? How dare she para-

"Ouch!" Napatili ako nang may bumangga sa akin. Naiinis na napalayo ako sa kaniya. Bumagsak ang mga gamit niya sa sahig pero agad niya rin itong kinuha. Ew, cliché.

Tinitigan ko si gurl. Hindi ko siya tinulungan kasi magagasgas ang skin ko.

But wait. Is she a girl? Yeah, she is. Naka-skirt siya, eh. But something about her is... off. You know, she's looking like a girl but... not really? She's kinda boyish.

"Hindi ka manlang ba magso-sorry?" biglang tanong ng girl sa akin. Natigilan ako nang mag-angat siya sa akin ng tingin matapos niyang kunin ang mga basura niyang nalaglag.

Hindi naman masama ang titig niya sa akin pero may pagka-mataray ang mga mata niya. And her voice, hindi normal na boses ng isang gurly girl. Her voice is a little deep, yet soft and cold. Parang boses ni mama kapag kinakantahan niya kami.

Duh. Bakit naman ako magso-sorry?

Napa-irap ako. "It wasn't my fault tho."

Tinitigan niya lang ako. Her lips were pressed together, while her lazy eyes are looking at me intently.

Kajirits, bahala siya riyan!

Inirapan ko siya. Tumalikod ako at maarteng hinawi ang imaginary long hair ko. Agad akong bumalik sa classroom at talaga namang nawala na ako sa mood.

Naiinis talaga ako kapag nakaka-kita ako ng magaganda. Maganda kasi iyong girl kanina. Makinis pa at mahaba ang buhok niya. Nakaka-inis. Gusto ko rin ng morena skin, at ang babae kanina, morena skin din! Aba't hindi na mata-tanggap ng beauty ko iyon! It's a big no, no, no!

Umupo ako sa pwesto ko at hindi ko na inabalang higalapin pa sila Jake at Jamaica. Prente akong sumandal hanggang sa pumasok na ang teacher namin.

Ngunit napa-taas ang kilay ko nang may kasama siyang babae.

Oh my, iyong girl kanina!

Inililibot ng babae ang mga mata niya sa buong paligid. Nang mag-tagpo ang paningin namin ay tinaasan ko siya ng kilay. Akmang tatarayan ko na sana siya nang taasan niya rin ako ng isang kilay, saka niya ako nginitian-sabay iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin.

Omg, bakit niya ako nginitian ng malagkit kanina?! Yuck!

"Hi, I'm Nora," pakilala ng babae. "Transferee ako. Nice to meet you all." Tapos ngumiti siya ng tipid.

Transferee? Another eww-y cliché thing.

Napa-taas na naman ang kilay ko nang mag-taas ng kamay si Jake na nasa harapan pala naka-puwesto.

Sinuklay niya muli ang kaniyang buhok using his fingers. "Are you single, Nora? You're really beautiful."

Napa-irap ako ng bongga.

Mas maganda pa ako sa babaeng iyan, 'no. Kapag ako nakapag-College na, talaga namang magpa-pahaba ako ng buhok at -

"Ah, no, I don't do boys ," biglang sambit ng Nora kuno, tapos ay sinulyapan niya ako. "You know..." Ngumiti siya ng maliit. "I like girls, too."

Kinindatan niya ako bigla! Saka siya ngumiti ng labas ang pantay-pantay niyang mga ngipin na walang bahid ng cavities.

Oh my-ghad, ew!

Napa-iwas ako ng tingin sa babae. Ewan ko kung imagination ko lang iyon pero nadinig ko siyang mahinang tumawa.

I'm gonna tell dad na gusto ko nang mag-transfer ng school. Tapos ipapa-giba ko itong school na ito.

"Thank you, Nora. Puwede ka nang umupo. Maraming bakante riyan, ikaw na ang bahalang mamili."

Inis akong nag-cross arms.

Hmm. Bakit kaya feeling ko naiihi ako?

Nevermind.

Sinulyapan ko ng pa-simple ang girlaloo na naglalakad. Naaninag kong umupo siya sa upuan sa likuran ko.

Hmp! Bakit diyan pa?!

Tapos ay naramdaman kong may mainit na hiningang bumubuga sa batok ko.

"Hi, ganda," malambing na bungad niya sa akin. "Ang sungit-sungit mo naman..." bulong niya sa akin saka mahinang natawa.

Gyah! Nakaka-inis!

######

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now