(27) Twenty-Seven

264 39 8
                                    

NORA

"I just wanna know where that whore is," madiing sambit ko. "If Alexis is fucking with my sister, that's fine because I don't care. Ang gusto ko ngayon, ay ang malaman kung nasaan ang tanginang babae na 'yun, get it?"

Tumango si Jalisco. "Yeah. But I'm sorry, hindi ko alam kung nasaan si Aileen. All I know is she's with Alexis for 8 years. It's... in the news."

News?

"What news?"

"Magazines. Everywhere. Model si Alexis sa America. He's famous. And, well, they're dating."

That's obvious. At wala akong pakialam. Gusto ko lang kausapin ang kapatid ko. I will fucking smack her shit out. After all these years, hinahanap ko siya. Gusto ko siyang magpaliwanag. Gusto kong makuha ang side niya. Gusto kong-- Gusto kong... Gusto kong malaman kung bakit. I wanna know everything, god fucking damn it!

"I don't give a shit about his career and his useless love life. Ang kapatid ko ang gusto kong makausap."

Mahinang natawa at napa-iling si Jalisco. "Feisty. Pero hindi ko talaga alam kung nasaan si Aileen. Talk to Alexis, doon siya sa condo ko mag-s-stay simula mamaya."

"Where's your damn address then?" asar na tanong ko.

"Oh, so, you're gonna talk to him?" natatawang tanong niya. "Really? Gagawin mo talaga?"

I nodded. "Yeah."

"That would be really funny."

Nangunot ang noo ko.

Same thing na sinabi sa akin ni Ma'am Soren 8 years ago. The fuck is funny here? I really don't get it.

He gave me his address, anyway. At matapos naming mag-usap na siguro, hindi umabot ng sampung minuto, ay agad din akong bumalik sa trabaho ko.

Yeah. Pinabalik ko rito si Jalisco. He didn't complain so I think, wala naman sa kaniya ito. Saka pansin ko lang, parang ang carefree at ang friendly niya ngayon. Sinabi niya ring kasal na raw siya. Hindi na siya iyong parang gagong Jalisco na pino-pormahan ako noon.

9:00PM ang labas ko pero may mga inayos pa ako. 9:45, I guess, nakalabas na ako ng trabaho. Ang diretso ko? Sa condo ni Jalisco. He even gave me the duplicate key of his unit. Hindi raw kasi siya nag-s-stay doon kaya si Alexis ang gagamit. Tinawagan ko na rin iyong nag-aalaga kay Cora, at tulog na nga raw ang maganda kong anak.

Sana lang magkasama si Alexis at si Aileen. Hindi ko na kailangan pang kausapin si Alexis at alam kong malaki ang kasalanan ko sa kaniya.

I arrived at Jalisco's place, exactly 10:00PM. Makes sense kung bakit nakarating sa trabaho ko si Jalisco. Napakalapit naman kasi ng condo niya sa amin.

Kumatok ako nang kumatok sa pinto, pero walang tao kaya pumasok ako sa loob. May permission naman ako kay Jalisco at siya mismo ang nagbigay ng susi sa akin. What's with their family at ang hilig nilang bigyan ako ng susi.

Malinis ang loob. Malaki at malawak itong unit niya. Maganda rin ang mga gamit at kumpleto, halatang mamahalin. Minimalist. Masarap sa mata at mukhang maganda nga mag-stay dito. Kita mo sa malaking bintana ang mga building at mga sasakyan sa labas. Ang... ganda. Sa labas. The scenery makes you appreciate life kahit na hindi madaling mabuhay sa mundong 'to.

Pagod akong umupo sa sofa. Sumandal ako sa headrest at hinilot ang sarili kong sentido.

Anong oras ba dadating si Alexis?

10:00 na. Akala ko pa naman, nandito na siya dahil gabi na nga. Or maybe ipagpabukas ko nalang ito? Ngayon ko na talaga naramdaman ang pagod at gusto ko nang humiga at matulog.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now