(4) Four

319 32 6
                                    

ALEXIS

"Anong trip mo at gusto mong lumipat sa school namin?" tanong ni Jalisco habang nag-la-lakad kami sa kahabaan ng 11th Avenue. Sabay-sabay kasi kami umuwi kapag ganitong oras, you know, 7:00PM. Baka jombagin ako ni ate kapag iniwan ko ang dalawang ito na taga-bundok sa outside world. Hmp.

"Hindi mo na ba kaya 'yung insecurities mo kay bebeghorl?" mapang-asar na tanong ni H saka nag-lakad sa harapan namin ng naka-talikod sa kalsada. "'Yun lang naman ang dahilan, hindi ba?"

Napa-hawi ako sa imaginary hair ko. "Aside from the fact that she's undeniably pretty, she's also creepy, too."

"How creepy?" curious na tanong ni Jalisco.

Sus. 'Yan na naman siya. Curious-curious, tsk!

Sarkasmo kong hinarap si Jalisco. "Kinaladkad niya ako sa room namin kanina para lang mas pa-iyakin ako kasi ang cute ko raw. Sabi niya, usap lang. Pero pina-iyak niya ako in many ways possible. She's a cold-blooded psychopath," G na G na kwento ko sa kanila.

Naiiling na natawa si Jalisco. "Bakit ba kasi ang iyakin mo?" tanong niya saka mapang-asar na ngumisi.

Grr!

Pero imbis na magalit ang kagandahan ko, pinili ko nalang na kumalma kasi masisira lang talaga ang mood at beauty ko. Sakto nang lingunin ko naman si H ay nandoon na agad siya sa stall ng tindahan ng siomai. He likes siomai very much. At wala siyang pera ngayon. Mukha siyang kawawa habang pinapanood niya 'yung dalawang tindera na abala sa pag-kain ng sarili nilang paninda.

Nilapitan namin ni Jalisco si H. Kawawa naman, eh.

"You got no money, ano?" tanong ni Jalisco. "You should stop buying those anime souvenirs."

"Shut up, ilibre mo nalang ako," ani H sabay lahad ng palad niya sa amin.

Napa-irap ako. Ako na ang naunang lumapit sa mga tindera. Naka-upo sa bike iyong isa, ang isa naman ay nilalantakan ang paninda nila. Kaso, eh. Biglang yumuko iyong naka-face mask sa gawi ko para silipin ang mukha ko. Then magiliw siyang kumaway. "Alexis!"

Napa-atras ako ng tatlong hakbang.

Oh, fuck!

Nanlaki ang mga mata ko ng bongga!

"Alexis, ikaw nga!" aniya saka ibinaba ang face mask na suot niya. Malawak ang ngiti niya sa akin. As usual, naka-ladlad ang buhok niyang straight na straight. Simple lang ang suot niyang damit, you know, maluwag na black T-shirt at Spurs na shorts—'yung pang-basketball. In short, pambahay.

"Hell na! You don't!" asar na singhal ko sa pagmu-mukha ng mahadera! "Are you stalking me?!"

Gyah! Nakakainis na!

Asar akong napa-hilamos sa mukha ko. "Pabili ng siomai!"

Humarap siya sa kasama niyang ghorl na tila walang pakialam sa kagandahan ko. "Marice, siomai daw!" Then muli ay humarap siya sa akin at nginisihan ako. Bumaba siya sa bike at tatalon-talon na lumapit sa akin sabay akbay sa akin! "Pinag-ta-tagpo yata tayo ng tadhana, Alexis," aniya. "Biruin mo, lagi tayong nag-ki-kita. Hindi ka pa rin ba nai-in love sa 'kin niyan?"

Tinitigan ko siya ng super talim. "Shut up! Kasama ko ang mga kapatid ko! This must be a coincidence!"

Hindi niya inalis ang titig niya sa akin. "Wala akong pakialam sa mga kapatid mo," aniya.

Napa-irap ako. Asar na inalis ko ang braso niya sa balikat ko. Nag-martsa ako patungo kay H. At mukhang alam niya na rin kung anong nangyayari! Si Jalisco? Nasa likuran ni H. Naka-tulala kay Nora Aunor. Pwe.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now