(15) Fifteen

290 35 12
                                    

ALEXIS

"Maliligo lang ako, matuto kayong maghintay sa mas maganda sa inyo, understandes?" mataray at pretty na tanong ko kina Jalisco at H na naka-tambay sa harapan ng gate ng bahay ni Nora Aunor. Like, what the hell are they doing? Bakit nandito sila? Sinabi ko bang sunduin nila ako? Duh!

Naiiling na pumasok ako sa loob. Si Nora Aunor? Hayun, nagluluto ang babaita ng almusal, buti pa siya at nakatulog, samantalang ako, wala! Sino ba namang makakatulog kung ang bigat ng ulo niya, hmp!

"Sino nasa labas?" tanong niya saka hinarap ako. Suot niya pa rin iyong bestida niya. Nakaka-inggit iyang bangs niya. Hindi naman ako pwede mag-ganiyan kasi pang-lalaki ang gupit ko. Bawal long hair sa school, hmp. Hindi naman kasi porke mayaman ako at pretty, dapat na akong sumalungat sa rules. Si papa lang gumagawa no'n, kasi sabi nga ni mama, boang si papa. Kinulang daw sa buwan ang papa ko, sabi ni mama.

Inirapan ko si Nora. "Mga kapatid ko."

"Papasukin mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit, haharutin mo, gaga ka?"

Sinimangutan niya ako. "Tingin mo sa 'kin kasing landi mo, ha?"

What!

Grr...

Nilapitan ko siya at namewang sa kaniya. Ang gagang ito, ang kapal ng fes! Akin ang bahay niya, 'no! Simula nang tumapak ako sa sahig nila, sa akin na ito! Pati iyong aso nila sa labas na palaging nakangisi, akin din iyon! Pati iyong kadena!

"Ay, ganern?" mataray na naisambit ko. "So, maharot ako, ganern? Sinong hinarot ko, ha? Sige nga, name drop ka nga, sino hinarot ko, haaaaa?"

Tumingin siya sa kaliwa niya. Nagtakha tuloy ako dahil mukhang matatawa siya na ewan.

"Hoy, gaga, tinatanong kita kung sino ang hinarot ko, ha?"

Muli niya akong tiningala. "Ako," aniya sabay tawa. Tinalikuran niya ako at bumalik siya sa pagluluto ng Fried rice.

At ano raaaaw? Ang kafal ng fes! Wala ako naalala na hinarot ko siyaaaa! GYAAAH!

Nilapitan ko siya mula sa likuran sabay hila sa buhok niyang mahaba. "Hindi kita hinarot kahit kalian! Kaloka kaaa!" tili ko sabay hila lalo sa buhok niya. Wala siyang reaksiyon manlang, nagluto lang siya nang nagluto! Hmp!

"Hoy, bakla, ginagawa mo r'yan?"
Asar akong natigilan nang marinig ko ang boses ni H sa likuran ko. Napa-taas ang kilay ko nang makita kong pumasok ang dalawa kong kambal. Abala si Jalisco sa pagtanggal ng sapatos niya, habang si H naman, eh, naka-medyas nalang at tinititigan niya ako na para bang may nagawa akong krimen. Tse.

Tinarayan ko sila. "Labas!"

"Ows, ikaw may ari ng bahay, ha?" asar ni H sabay lakad at upo sa hapag-kainan. "Ang panget mo, ang gusto namin kausapin ay si Nora, paki naming sa 'yo," aniya sabay ngisi ng nakakaloko.

At namalayan ko nalang bigla, na ichapwera na ang beauty ko. Nagtatawanan silang tatlo habang kumakain tapos si Nora Aunor, hindi manlang ako binigyan ng almusal. Alam niyo ba 'yung feeling na may hawak na akong plato pero wala kang karapatang kumuha ng sinangag? Pahiya ang kagandahan ko, mga beh! Kainis!

Kaya naman napagdesisyunan ko nalang na kausapin ang aso nilang naka-kadena.

"Alam mo, bhie, ang pretty-pretty ko," ungot ko sa kaniya. Naka-ngisi pa rin siya at naka-labas ang dila, mukhang nang-aasar, 'kala mo naman nakaka-tuwa. Pero nagpatuloy pa rin ako. "Sa sobrang pretty ko, ako nalang ang nakaka-pansin na pretty ako. Hmp."

Humingal iyong aso. Parang shunga. Pero mukhang nakikinig naman siya sa akin. "Kasing pretty kita, bhie," sambit ko muli. "Kaya ikaw, dapat sakmalin mo 'yung amo mong nakaka-imberyna. Hindi ako binigyan ng almusal."

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ] Justified and UnderlinedWhere stories live. Discover now