Prologue

130 0 0
                                    

When I was a kid I always dream of becoming a Princess. My mom and dad gave me what I want. They treated me like a real princess. We live in a very big house just like a castle. We have a lot of house servants and guards.




My name is Yoona Crystal Alonzo ang prinsesa nina Mommy at Daddy.


Masaya ang buhay ko, nag-iisang anak nina Mommy at Daddy. Lahat ng gusto ko binibigay nila. Love, attention and even material things. Everyone says I'm living a life like a real Princess.



But that life changes. I woke up one day na wala na ang mommy at daddy ko. They died in a car accident and left me orphan. I was left with my grandmother's care.


Kagaya ng pag-aalaga at pagmamahal ng mga magulang ko ay ibinigay din sa'kin ng lola ko. She gave me everything I wanted. She spoiled me with a lot of things. She showered me with love and attention na mas sobra pa sa binigay nina Mommy at Daddy sa'kin. I am my grandmother's little princess.


Pero lahat din pala ng iyon ay may katapusan. My grandma died because of heart attack when I was in third year college. Hindi ko matanggap ang nangyari sa kaniya. Naiwan ako sa pangangalaga ng mga mabubuti naming kasama sa mansyon sina Nanay Trining at Tatay Waldo. May dalawa silang anak, sina David at Estella.


Pero nagbago ang lahat sa buhay ko nang biglang sumulpot ang mga kamag-anak ko daw. Pinsang buo daw siya ng daddy ko, si Tito William. Kasama niya ang asawa niyang si Helen at ang tatlo niyang babaeng anak na sina Katrina, Karina at Kassandra. Akala ko mababait sila pero mga abusado.



Noong makagraduate na ako sa college nang nadiskubre ko ang pinanggagawa ng mag-asawang yun kasama ang tatlong anak niya. Pinapasok ko si Tito sa company na pinamana sa'kin ng parents ko bilang head ng Finance dahil CPA License siya. Pero ang mga walanghiya kung anu-ano ang pinanggagawa sa kompanya. Ako ang nagtake over as CEO after I graduated and passed the Bar Exam. I discovered the anomaly they did.



Maraming perang winaldas ang walanghiyang mag-asawang yun at ang mga anak nila na hindi man lang nakagraduate ay puro pasarap sa buhay ang ginagawa.



"Yoona, bakit mo tinanggal ang tito William bilang head ng Finance?" Tanong sa'kin ni Tita Helen nang nasa hapagkainan kami kasama ang tatlo niyang anak. Wala si Tito, nastress dahil sa ginawa ko.



"Hindi pa ba obvious?" Sarcastic kong tugon sa kaniya. "Kung siya ang head ng Finance baka ubos ang pera ng kompanya."



"Anong sabi mo?!" Nagtaas ng tono si Karina sa'kin.




"Listen to me bird brain!" Seryoso kong sagot sa kaniya. "Ang tatay mo corrupt! Hindi makontento sa perang hawak niya kaya pati perang hindi kanya pag-iinteresan."




"Yoona, sumusobra ka na!" Tumaas na din ang tono ng boses ni Tita Helen.




"Totoo naman di ba?" Tiningnan ko sila isa-isa. "Lumitaw lang kayo noong malaman niyo na orphan ako? Para saan sa mana ko? Tinanggap ko kayo ng buong puso sa mansyon ko pero ito ang igaganti niyo sa'kin?"





"Alam mo pinagtitiisan lang namin yang ugali mong maarte at mapagmataas!" Sumbat ni Kassandra.




"Ows talaga? Hindi ba dapat nag-aaral kayo ng mabuti para naman sana may ambag kayo dito pero wala." Nginitian ko silang apat. "Ikaw Katrina, ilang course na ba ang naikot mo pero ni isa wala kang natapos. Mas inuuna mo pa ang pagpapasarap sa bar kasama ang mga friends mo. Akala mo hindi ko alam? Mahiya ka naman, manlilibre ka pero ako ang magbabayad sa credit card mo." May galit ko ding sumbat sa kaniya.





CRYSTAL SERIES: Waking Up in NeverlandWhere stories live. Discover now