Kabanata 6 - Bigger World

16 11 25
                                    

Kabanata 6

Bigger World


"WHY DID YOU have to pull me like that, ha? Napaka-feeling close mo na lang palagi!" inis kong bulyaw kay Yazzer matapos naming makalayo sa lugar na 'yon.


Ramdam ko ang pawis, ang mabilis na tibok ng puso ko at ang inis na kanina pa nabuo rito. Mukhang sa kan'ya ko pa maibubunton itong pakiramdam na hindi ko maintindihan.


He just crossed his arms across his chest and looked at me like a fool.


"Instead of insulting me, why don't you just thank me?" sarkastiko niyang sinabi bago ako iniwan doon ng mag-isa. Napamaang na lang ako sa ginawa niyang pang-iiwan.


Seriously! What's with these people?


I am about to walk and leave the place too but a loud voice stopped me.


"RESIEN!" he shouted. Huminga ako nang malalim bago siya matapang na nilingon. Hindi ko rin alam kung bakit ang weird ng kinikilos ko, at ayokong malaman niya 'to hangga't hindi ko napi-figure out kung ano ba talaga 'to.


As soon as I face him, I smiled awkwardly and waved my hand in front of his face. But he looks serious, malayong-malayo sa Gio na palagi kong kaharap.


"Saan kayo pumunta ni Yazzer? Siya ba ang pinuntahan mo 'ron?" seryoso niyang tanong. Wala ang makulit na boses, tila lumalim ito at lumamig.


Galit ba siya? Bakit siya pa ang galit? Aish.


Wala sa sarili akong tumango nang magtama ang mga paningin namin. Nagtaka ako ng hindi ko mabasa ang emosyong nakikita ko sa kanyang mga mata. Parang ngayon ko lamang 'yon nakita sa kanya sa buong buhay ko na magkasama kami.


At sa bawat panahong magkasama kami ni Gio, ngayon lang ako na-awkwardan. Tila ba nakakailang, hindi ko maintindihan.


My phone beeped signaling that I have receive a message. I take that as signal to give him an excuse for me to leave pero nauna na siyang umalis at nilagpasan pa ako.


When I saw that it was from Tita Gia, I quickly called his name without looking back.


"Ah, Gio, sandali!" sigaw ko.


"Hmmm?" tipid niyang sagot.


"Just check your inbox, nagtext ang Mama mo sa akin. Kapag wala kang narecieve i-text mo ako para ma-forward ko sa'yo." pormal kong sabi saka mabilis na naglakad palayong muli sa kanya.


Sa mga sandaling 'yon ay parang hindi namin kilala ang isa't isa. Hindi ko naman itatanggi na kahit papaano ay umaasa akong hahabulin niya ako at kukulitin ngunit walang nangyaring ganoon.


Days passed by, and I am living an ordinary life. Routine na lang ang bawat ginagawa ko sa araw-araw. Lagi naman walang nagbabago, pero syempre wala naman akong choice kung hindi magpatuloy lang.


Ngunit kakaiba sa pakiramdam, para bang may mali. Para bang may hindi normal. Hindi ko alam pero ayaw ko ng ganitong pakiramdam. It will just lead me back to my melancholic days.


Almost Goodbye (Almost Trilogy 3)Where stories live. Discover now