Kabanata 5 - The Other Bestfriend

22 12 31
                                    

Kabanata 5

The Other Bestfriend


IT IS A normal day when I came to school. Most of the students like me are busy, especially the seniors. Para silang may karerang palaging hinahabol.


Literal. There was a moment that someone bumped into me. Ang ayos ayos ng lakad ko, nasa tamang lakaran ako... yet nababangga pa.


"Oh my gosh, I'm very sorry! I'm in rush!" gulo-gulo ang buhok at pawisang pagpapaumanhin ng babaeng nakabangga sa akin.


Gustuhin ko mang magreact ay hindi ko tipikal na ugali. Ewan ko ba, siguro kung ibang araw ay maaari pa. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit napaka-unpredictable ng ugali ko.


Anyway, mukha naman siyang mabait... at maganda. I'll let her pass, isa pa, I'm having a good day and I won't let anyone destroy it.


Tinanguan ko lamang ito dahil halatang nag-iintay pa rin siya ng aking reaksyon sa kabila ng pagmamadali niya. Naging hudyat iyon para kumaripas siya ng takbo.


Sandali pa akong napako sa aking kinatatayuan, pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Mayroon namang mga freshies na katulad kong chillax lang dahil siguro hindi pa pressured, mayroong grupo ng mga estudyanteng nagtatawanan lang at tila bumuo ng sarili nilang mundo.


Sighed. Ano kayang pakiramdam ng ganoon? Iyong madami kang kaibigan, marami kang makakasama at masasandalan. Parang ang saya saya. I shrug and dismiss my own question.


I may be continuously building walls to protect myself... I sometimes wished to socialize in a very spectacular way. Iyon bang unexpected friendships. But I just can't... I don't know how.


I went to the cafeteria to buy some ice coffee. Plano ko sanang sa mcdo bumili pero naisip kong dito na lang para makamura na rin. Aba, hindi naman ako mayaman.


Habang sinisimsim ang masarap na kape sa isang maaraw na umaga ay kung anu-anong bagay ang aking naiisip.


Masaya naman ako dahil kahit kakaunti, alam kong may mga taong may pakielam at nakaiintindi sa akin. Kaya dapat kong itigil ang pagiging pessimist dahil tumagal naman ako ng ilang taon mapakita lang na masaya ako palagi.


Umupo na lamang ako sa isa sa mga puwesto roon. Hindi naman siguro ipinagbabawal ang pagiging mag-isa rito. I just notice how different I am to every people here. Lahat sila may kasama, tumatawa habang napaliligiran ng mga mahahalagang tao. Samantalang ako, mag-isa.


Alam ko, maraming beses ko ng sinabi sa sarili ko na kaya ko mag-isa. Pero iba pa rin talaga sa mga ganitong pagkakataon, parang mapapaisip ka na lang bakit iba ka sa nakararami.



Kung bakit ba kasi required pumasok nang maaga at mag-attendance kahit na mahaba ang vacant hours ng schedule namin ngayon. Hays, dapat nagpa-late na lang ako eh.


I was about to get my book out from my bag to kill my boredom when a hand put a sandwich in front of me. Kaagad kong tiningala ang may-ari ng kamay na ito na may nakangiting mukha sa akin.


Almost Goodbye (Almost Trilogy 3)Where stories live. Discover now