Kabanata 4 - Good Old Memories

26 12 23
                                    

Kabanata 4

Good Old Memories


"TITA ANG AGA niyo na naman dumalaw, hindi niyo manlang ako sinabihan." nagkakamot-ulo kong sinabi habang pinagmamasdan si Tita Iris na sumisimsim sa kanyang kape.


"Nagtext ako sa'yo, you are not just checking your phone." napairap niyang sagot.


Hindi na lang ako nagreact pa dahil ang totoo ay wala naman talaga siyang text sa akin na pupunta siya ngayon. Tuloy ay kape lang ang naihanda ko dahil nga kagigising ko lang rin.


"Kumusta ka?" she asked. I just smiled at her.


"Ang sarap ng kape mo." komento niya. Gusto ko na lamang matawa, kung si Tita Katelyn ang ngiti-ngitian ko ay mabu-buwisit na 'yon sa hindi ko pagsagot sa kanya.


"Instant lang 'yan, Tita. Wag kang oa." natatawa kong sagot.


Maya't maya ang dalaw nilang magkapatid sa akin, noong una'y nasabi ko pang bihira lang si Tita Katelyn na dumalaw ngunit pakiwari ko'y napapadalas ang dalaw niya mula ng magkita sila ni Tito Ezekiel rito.


Hindi pa rin nagbabago ang opinyon ko, para akong isang preso na maya't mayang may dalaw... kahit na hindi naman kailangan. Hindi naman na ako isang bata, bakit kailangan nila akong i-check pa?


"Hindi ka ba nahihirapan, Resien? When I'm at your age, I am still depending on your lolo and lola. Alam mong kaya rin ako nagpapabalik-balik rito ay para pilitin kang sa akin tumira." here she goes again with her sentiments. Sa kaniya na rin mismo galing, "para pilitin ako,' ibig sabihin ay ayaw ko.


I sighed. I already made my decision. Bakit ba hindi nila iyon maintindihan at pilit pa rin nila akong isinasama sa kanila?



"Ayos lang naman po ako rito, ilang taon na rin mula nang magsimula akong mamuhay mag-isa kaya hindi na po ako naninibago pa." sagot ko. Ilang beses ko na rin itong sinasabi. Halos makabisado ko na.


Nag-aalalang tumingin lamang siya sa akin habang umiiling.


Naiintindihan ko naman sila, they just want to make sure that I am doing fine. Pero sana maintindihan rin nila ako. I have my reasons, I am just not brave enough to tell them all about it.


Typical Tita Iris, she didn't stayed long. Lagi lang naman niyang pakay sa akin ay ang pangangamusta at pangungumbinsi na sumama sa kanya.


Good thing that she didn't stay long. May lakad ako. I immediately prepared myself before going to that one specific, memorable place for me.


Our old house.


I don't know why I kept on coming back. Tuwing babalik ako rito ay pare-parehong pakiramdam lang ang nararamdaman ko. Longing and happiness... bittersweet happiness.


"Magandang umaga po, manang!" bati ko sa caretaker na siyang magiliw na nagpapasok sa akin sa hindi kalakihang gate ng bahay. Dito pa lang ay tanaw ko na ang imahe ng bawat parte ng labas ng bahay, ang dami ko kaagad naalala.


Almost Goodbye (Almost Trilogy 3)Where stories live. Discover now