Chapter 32

1K 72 1
                                    

Chapter 32 : Grand Ball

Cassandra's POV

Lahat kami na nasa loob ng potion room ay nag panic. Nag kalat sa iba't-ibang sulok ng kwarto ang mga basag na salamin na may lumalabas na usok na kulay green. I t looks like a spell coming out from it.


Dumating ang mga professor at pinabalik sa room lahat. Naiwan kami ni Jake at Belle para tumulong sa nangyayari. Hindi naman kami sinita kaya siguro naman ay ayos lamang iyon.


It's been 2 hours since we started finding any lead. Nag-hahanap ng clue sa kung sino o ano ang posibleng gumawa nito. Hindi pa nalilinis ang mga basag na salamin dahil may gagawin pa daw sila doon kaya maingat kaming nag-lalakad sa loob habang nag-hahanap.


Ang special potion na nagawa ng potion department ay nilagay sa isang sealed glass box na nasa gitna ng restricted room ng potion room. Ang sabi din ni Ms. ilestone ay may spell ang buong kwarto at lalo na ang glass box against any spells. Kaya ganoon nalang kalakas ang alarm dahil isang private room ang napasok.


"Ano, Cassandra? May nahanap ka?" tanong ni Belle na nakatayo hindi kalayuan saakin.


Umiling agad ako bilang sagot dahilan para manlumo s'ya at mag patuloy sa pag-hahanap. Bakas na din ang stress sa mukha n'ya dahil sa nangyayari.


Paano ba naman, hindi na kami nakapasok sa next sub at need pa mag report sa IAO pagkatapos namin dito. Tapos ngayon ay wala pa kaming nahahanap na evidence or any clue man lang.


Tinignan ko ang kinaroroonan ni Jake at nangunot ang noo ko nang makita s'yang naka yuko sa isang gilid, malapit sa bintana.


Dali akong pumunta sa pwesto n'ya para makita kung ano ang tinitignan n'ya doon. Yumuko ako sa pwesto n'ya at tinignan n'ya lang naman ako tsaka ibinalik agad ang paningin sa hawak n'yang papel na nakabalot sa parang bato.


Binuklat n'ya ang papel ngunit parang iniiwas n'ya ito sakin kaya hindi ko makita kung ano ang mayroon doon. Nahinto ako at nangunot ang aking noo dahil sa kadamutan n'ya.


Nilayo n'ya pa rin ang papel dahilan para lalo kong gustuhing makuha iyon.


"Patingin!!"


"No"


Lalo akong nainis at sinimulang agawin ang papel sa kanya nang mas determinado. Patuloy naman 'yung pag layo n'ya saakin n'on.


"Patingin sabi, eh!"


Lalo n'yang inilayo ang papel habang tinitignan ako nang seryoso sa mukha. Hindi naman ako huminto dahil lang sa tingin n'ya.


"You can't have it! I'll keep it first so let go" matigas n'yang sabi.


"No! Patingin ako!" Inis kong sabi habang tumingkayad pa dahil sa taas n'ya.


"I said no, Miss Soulford!" bigla n'yang sigaw.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon