Chapter 50

705 25 2
                                    


Chapter 50 : Gone

Cassandra's POV

Hindi ko na namalayan na naglalakad na ako sa hallway nang lutang ang isipan. Iniisip ko kung paano ako nakatakas kay Mrs. Jackson at sa kaniyang katanungan.


Hindi ko na alam ang pupuntahan ko nang makasalubong ko si Belle.


"Hoy, Cassandra! Saan ka ba galing? Magsisimula na ang meeting!" si Belle.


Inalis ko ang aking isipan sa mga nangyari at pinilit ngumiti kay Belle upang hindi n'ya mapansin ang pagkabahala ko.


Mabuti naman at maayos s'ya...


"Mabuti at okay ka" sabi ko.


Nginitian n'ya ako at niyakap. "Ikaw din! Mabuti at okay ka lang, Cassandra" sabi n'ya.


Nang nag bitaw na kami sa yakap ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa kwarto kung saan gaganapin ang meeting. Ang kinaroroonan namin ay medyo maluwag at medyo madami din ang space pero kaunti lang ang liwanag.


Pagpasok namin ay nandoon na sila Jake, Blizz, Liro, Trisha at sila Ms. Clever at Mr. Petergreen at Mr. Malfori. Ang tahimik ng kwarto at dama ko ang kakaiba nilang aura.


"Shall we start?" si Jake.


Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Liro na nginitian ako. Ganon din sila Trisha at Blizz na nagagalak na makita ako ulit.


Ayos silang lahat...Mabuti naman at walang nasaktan sa pag takas.


Napaharap kami kay Ms. Clever nang umubo s'ya para makuha ang atensyon naming lahat.


"Quins planned to attack us using the Special potion" pagsisimula ni Ms. Clever.


"And as you all can see...they succeded"


I heard a gasp and dissapointed look from them. I know this is hard for all of us. We tried our best to make a plan...


Alam kong marami silang katanungan. Kung paano umabot sa ganito ang lahat na sa puntong mauulit ang nangyari dati.


"They used the Special potion to us...who created it" habol n'ya.


"Isa sakanila ang kumuha no'n, obviously" si Belle.


"Pero paano mo nalaman na sila Kate ang traydor?" si Trisha.


Nagugulat kong tinignan si Jake nang makita kong s'ya ang tinatanong ni Trisha.


Lumingon din s'ya sa pwesto ko at nag tama ang aming paningin nguni ako na ang kusang umiwas.


"When Ms. Clever asked to find the missing students. We started to find clues or lead but we can't find anything" sabi n'ya at napatingin nanaman sa direksyon ko.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant