Chapter 3

2.3K 118 18
                                    


Chapter 3 : Start.

Cassandra's POV.

Nandito ako ngayon sa tapat ng bilihan ng mga alahas sa may ground floor ng mall. Dito ako dinala ng mga paa ko galing sa lugar kung saan kami naghiwalay ni Meigan.


"Ate, pwede patingin ako nito?" sabay turo ko sa necklace na may pendant na nakalagay.


'M and C'


"Ito ba?" sabay kuha n'ya sa necklace na sinabi ko. Tumango naman ako bilang sagot at nakangiting hinintay s'yang kuhanin iyon.


"Magkano po ba ito?" tanong ko naman.


"450 pesos lang po. Kukuhanin n'yo po ba?" tanong n'ya na parang naiinip na rin.


450? Tinignan ko ang wallet ko at nakitang kasya pa naman ang pera ko dahil meron pa naman akong 550 pesos.


Kasya naman na ang 100 pesos para sa pamasahe namin pauwi.


Tinitigan ko ang necklace at nakangiting kinuha ang pera ko sa wallet. "Sige po, ate. Kukuhanin ko po! Pakibalot po ng maganda, ah!" sabi ko sa masayang boses.


Pagkatapos mabalot ng tindera ang binili ko ay inabot na n'ya iyon agad sa akin.


"Thank you for purchasing!" sabi n'ya habang nakangiti.


Sigurado akong matutuwa si Meigan sa regalo ko. Alam ko na hindi ito gaanong mahal pero alam ko na magugustuhan n'ya ito. Alam ko naman na kahit na anong ibigay ko sakaniya ay tatanggapin n'ya, eh.


Ako pa ba? Pero syempre, gusto ko rin na 'yung gusto n'ya dahil gusto n'ya talaga at hindi dahil napipilitan lang dahil mag kaibigan kami.


Lumakad na ako papunta sa pinag-usapan naming lugar kung saan kami magkikita. Paglabas ko ay nandoon na si Meigan kaya binilisan ko ang paglalakad.


"Meigan! Ang bilis mo ata? Kanina ka pa nandito?" tanong ko dahil mukhang kanina pa s'ya naghihintay sa akin.


"Hindi naman gaano. Mga 15 minutes palang," sabi n'ya sa akin.


Pagkatapos ay niyaya ko na s'ya umuwi dahil malapit na gumabi. Mapapagalitan na kami ni ate Kim kung magtatagal pa kami sa labas. Pagsakay ng jeep ay nakita ko nanaman ang nakita ko kanina.


'Yung lalaki na mukhang detective...


Hindi na ako nasisiyahan sa nangyayari, ah. Sino ba s'ya?


Hindi naman pwedeng coincidence lang dahil ilang beses na at parang ayos lang sakaniya na nakikita ko s'yang nakatingin sa akin o dahil baka ako nga lang ang nakakakita sa kaniya.


Napayuko ako nang sumakit bigla ang palapulsuhan ko at hindi ko alam ang dahilan.


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ