EPILOGUE II

1K 53 6
                                    


Cassandra's POV

Naglalakad ako papunta sa meeting room namin. Nadatnan ko doon sila Ms. Clever, Tito Luis, and Mr. Malfori. Kasama nila sila Isabelle at Ms. Jackson. Nakatingin ako sakanilang lahat nang madatnan namin sila ni Jake na seyosong nag-uusap.


"Sorry we're late" sabi ni Jake bago ako sinamahan papunta sa upuan na katabi ng kaniya. Pag-upo ko ay nakasalubong ko ang tingin ni Daddy. Ngumiti s'ya ngunit kakakitaan ko iyon ng pangamba. Ngumiti ako pabalik para sabihin na magiging ayos ang lahat.


"As I was saying earlier, we are now ready to attack the Academy but we can't just attack them like what they did to us. Nandoon ang halos lahat ng student na napasailalim sa Special Potion kaya hindi tayo makakasugod doon nang basta-basta"


Tumango kami kay Ms. Jackson dahil naintindihan namin ang gusto n'yang iparating. Halos lahat ng studyante ay hindi namin naisama sa pag-alis. Nabanggit saakin nila Daddy na alam nila na may balak na ganon si Mr. Alvarez pero wala silang ginawa dahil ayun talaga ang gusto nilang mangyari.


I know that it sounded so wrong but it's for part of their plan. I was so mad the second he said those words to me but it makes sense now.


Gusto nilang lumanas si Spade at magpakita na nagbalik na s'ya dahil kahit na may hinala sila na hinti ito patay ay kailangan na nila ng kasiguraduhan...and they succeeded.


Because Spade is alive.


"Mamayang gabi ay lalabas na ang asul na buwan sa kalangitan. Hudyat na ang lahat ng tao sa Magic world ay lalakas kagaya natin. The blue moon will activate the powerful magic in this world and the one that holds it"


Natahimik ang lahat sa sinabi ni Ms. Jackson. Miski ako ay natahimik dahil sa sinabi n'ya. Does that mean na alam nila?


Tinignan ko si Belle nang may ilabas s'ya at ilagay sa gitna ng lamesa.


"Power of The One" sabay-sabay naming sabi.


Nagkatinginan kaming lahat at halata ang pagsilay ng takot saaming mga mukha. Pinilit kong palitan ang kulay ng mata ko dahil naramdaman ko na unti-unti itong nagbabago.


"Crystal ball..."


"Hindi ko alam na totoo ito!" sabi ni Trisha na namamangha sa nakikita.


"It's true, Trisha. And this book?" Kinuha ni Belle ang libro. "Will prove it"


Tinignan ko ang matataas na nilalang nakilala ko at kasama namin ngayon. Kahit na alam namin ang lakas nila ay kakakitaan pa rin sila ng pangamba at takot sa kung ano ang pwedeng mangyari.


May alam kaya sila tungkol dito?


"Hindi ko alam na nandito pa ang libro na iyan" sabi ni Ms. Clever.


"Tinago ko iyan sa isa sa chamber ng Academy" dugtong n'ya.


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora