DID- 30

331 24 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit pilit ko paring pinanghahawakan ang mga salita niya. Bakit hindi pa'ko bumibitaw. I witnessed how he love Asia. Kitang kita ko ang pagkislap ng kanyang mata. At aminin ko man sa hindi ay nasasaktan ako.


Nasasaktan ako kung bakit mahal niya si Asia pero iba ang ipinapakita niya sa'kin.


Ayoko na.


At sa puntong yon kailangan ko ng bumitaw. Ang sakit nga lang na mapapasaya ko nga siya sa paraang pagpapaubaya pa.



Pagkasarado ng pintuan ng aking kwarto ay tuluyan ng nanghina ang aking tuhod at tuluyang napaupo sa sahig.



I supposed to be happy right now but all i can felt is pity for myself. Tumingin ako sa itaas para pigilan ang nagbabadyang luha. Don't fucking cry Devil. You get through this, you're strong woman. Don't fucking waste your tears because of man.


Pero kahit anong pigil ko sa aking sarili 'wag umiyak ay sunod sunod na bumagsak ang luha sa'king mata.



Yumuko ako at humagulgol habang yakap ang aking tuhod. Natigil lang ng maramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone sa bulsa. Nanlalabo ang aking paningin ng sagutin ang tawag ng kung sino man.



Ang epal naman moment ko toh 'e.



Suminghot ako at pinunasan ang luha sa pisngi. Walang nagsalita sa kabilang linya na aking ikinataka. Kunot noong tiningnan ko ang caller.



Unknown? May bagong threat na naman ba?


"Magsasalita ka o ibaba ko toh?"



Akmang ibaba ko na ng matigil ang buo kong katawan dahil sa pamilyar na boses na narinig sa kabilang linya.



"Open your door. I'm outside."




Hindi ko alam pero nag-panic ang buong sistema ko. Ano na namang ginagawa niya dito? Guguluhin na naman niya puso't isip ko. Tangina huminahon ka self. Siya lang yan. Pero nagawa ko pang ayusin ang sarili para lang hindi magmukhang brokenhearted sa harap niya kahit totoo naman. Basta huwag kang papa-epekto. Pero hindi ko alam at may sarili yatang isip ang akin paa at dahan dahang binuksan ang pinto.



Sadya yata akong pinanganak na marupok.



"Happy birthday."




Hindi ko alam kung anong gagawin. Walang salita na lumabas sa'king bibig habang nakatitig sa kanya na nasa aking harapan habang hawak ang cellphone na nasa tapat ng tenga niya. Hawak naman ng isa niyang kamay ang isang chocolate cake na may sindi na at naka-polo shirt na puti nalang siya nakabukas ang dalawang butones sa itaas. Mukha siyang badboy tingnan, medyo namumula rin ang pisngi niya.



Tumikhim ako at umiwas ng tingin. I tried to calm myself.



"What do you need?" I said without showing any reaction. After all I'm good in masking any emotions.


"You." I'm shocked but it didn't show on my face. Instead hinawakan ko pinto at mabilis sanang isinara ng mabilis niya yung pinigilan.



"Please... I want to celebrate with you." Matagal ko siyang tinitigan at ako na ang unang umiwas. I looked at the cake at muntikan na akong mawalan ng balanse ng mabasa ang nakasulat doon.



Isang buwan. Isang buwan na ang relasyon namin kung hindi lang sana. Mapakla akong ngumiti dahil sumakto pa talaga sa aking kaarawan.



Pumasok siya diretso habang ako ay nanatiling nakatayo, pinoproseso ang lahat. Nagpatiod lang ako ng tingnan niya. Sinarado ko ang pinto.



Devil in Disguise: Vengeance Series 1Where stories live. Discover now