DID- 19

455 24 6
                                    

"Ano yan?"

Tanga papel toh kung hindi mo alam. Sarap isampal sa mukha niya, kairita naman kase nagcutting na sana ako kung hindi ko trabaho ang pagiging assistant. Bakit ba kase nagpayag pa'ko.

Nakataas ang kilay niya sa'kin. Kaya nginitian ko nalang ng plastic.

"Pinabibigay ni Rover."

Kinuha niya naman saka ako inirapan. Tumalikod na'ko dahil wala ng rason para manatili naiirita ako sa mukha niya.

"Napakawalang respeto mo! You must learn to respect someone who's higher than you."

Tumigil ako at hinarap siya na nakangiti saka ako yumukod para magbigay galang. Ayokong makipag-away pero minsan sila rin kase ang naghahamon. Nakangiti pa ring humarap ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo nitong si Ferrari sa'kin. Wala akong natatandaan na may ginawa akong nakakagalit sa kanya bukod sa sinasabayan ko lang siya sa pagtataray. Palaging may issue sa kung sino nakakataas akala mo naman mas matangkad
sa'kin 'e tumaas lang naman dahil sa heels.

"Again, being rude is my speciality." May respeto ako pero sa karapatdapat lang yon neknek niya naman kung bigyan ko siya ng respeto, ayusin niya muna ugali niya.

"What?"

"Are you deaf or deaf?" Hindi yata nakuha agad yung sinabi ko, at tila ang hina ng pagprocess sa utak. Hindi na'ko magtataka mukhang pera ang basehan kaya nakapasok.

"How dare yo—"

"Napaka original naman." Tila mangha kong sambit na mas lalong ikinainis niya. Salubong na salubong ang kilay. Kunting kunti nakang sasabog na. How i love to end someone life span.

"You lowclass stupid girl!" Handa na sana niya akong sampalin ng matigil sa ere ang kamay niya ng ituro ko ang cctv at makarinig kami ng yapak.

Binaba niya ang kamay na tila nagkamot at tinaliman ako ng tingin na ikinangiti ko lalo. Sarap mang pikon. May dumaang ilang estudyante na nginitian niya pero ng tumama ang tingin sa'kin ay inirapan ako, two-faced bitch.

"Keep rolling your eyes. Maybe you'll find a brain back there." Sambit ko saka walang pasabing umalis.




Masyado niyang minamaliit ang nakakababa sa kanila. Porket nasa taas, mataas na rin ang tingin. Tingnan lang natin kung bigla nalang kayong bumagsak. Sana pagbagsak una nguso noh, chos. Pasikreto akong ngumisi habang tinatahak ang daan papunta sa library kase sinabihan na naman ako ni Rover na kunin yung mga libro sa kanyang office para isauli at ang hayeop papalinisin pa sa'kin ang library. Ang galing humiram kapag sasauli hindi.

Nasa last na ako ng hagdan ng mapatingin ako sa harap ng biglang nakarinig ako na kalabog. Napaawang ang bibig ko ng tumambad sa'kin ang isang babaeng nakasalampak sa sahig. Nang mapagtanto ko kung sino ay humalagpak ako ng tawa.

Ba't ang tanga niya?

"Hala siya! Ba't ka nagswimming hindi pa naman summer , setyembre palang girl at wala namang tubig." Natatawa ko pa ring sambit.

Nguya nguya ko ang bubble gum na kanina pa sa bibig at wala ng lasa habang lumalapit sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko pero tiningnan niya lang yon ng masama at nakangiwing tumayo. Ngek? May galit ba toh sa kamay ko?

"Ay kawawa naman yung kamay ko hindi nakapagshakehand." Nakasimangot kong sambit at akma na sanang aalis ng biglaang siyang magsalita kaya nilingon ko siya.

"You! Are your eyes for decoration? Do you see I'm here." Tinuro niya ko kaya naman tinuro ko rin ang sarili.

"Ako?"

Devil in Disguise: Vengeance Series 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora