DID- 28

305 17 7
                                    

Dedicated to Marjshieee I'm so motivated of your message. Thank you so much. This is my longest chapter so far and yet unedited please beware of grammatical errors. Naiiyak ako habang tinatype ko toh. Btw Happy 7k reads. Hope you will enjoy. Spread love.

Matapos maipaliwanag ng kambal kung bakit pilit nilang kinukuha yung kwentas because that was the key. I don't know kung saang susi yon. Hindi ko alam and then it hit me. A memories of the past flashback in my mind. Titig na titig ako sa dalawang kwentas, yung kay kuya storm at akin.

I bid my goodbye to the both of them. Umalis na'ko at hindi na nagpaliwanag. Mahabang oras ang byaheng ginugol ko upang makarating sa Villa ng mga Montecillo. That my real dad owned.

Malinis at maayos ang hacienda. Mukhang pinaalaga ng maayos ni mama. I informed my mom that i've visit our old house. Natuwa siya ng malaman iyon. She thought na pumunta ako doon para may maalala but no. I just came here to secure something. Hindi ko alam kong nandito pa iyon pero sana walang pinabago si mama sa bahay. Sa unang tapak ko palang ay parang gusto ko ng umalis. The memories of me and my real family. Sa stairs na nagpapaalala sa'kin nung bata pa kami ni storm na nagpapahabol kina mama at papa hanggang mapunta sa kusina at magbi-bake kami ng cake kapag weekend.

Hindi mapigil ang pagtulo ng luha ko ng maalala ang lahat. Hindi ko manlang naabutan si dad. Hindi ko manlang siya nayakap. Pinaalis ko ang luha sa mata ko at huminga ng malalim. Lahat ng kwarto ay pinuntahan ko and still the same. Habang pababa sa hagdanan ay hinahaplos ko ang mga naka-ukit na design sa hawakan. Pero iisa lang ang naiiba at yon ang sa kadulo-duluhan.

Kinuha ko sa bulsa ang dalawang kwentas saka inilagay sa nakaukit sa kahoy na kagayang kagaya ng design ng kwentas namin ni kuya kapag pinagsama.

Maya maya ay gumalaw ang hagdanan at dahan dahang tumaas. Hanggang sa matanaw ko na ang hagdanan ulit pababa. Ginamit ko ang flashlight ng aking cellphone saka naglakad pababa. Masyadong madilim pero wala akong naramdamang takot kundi kaba sa maaring matuklasan.

Tatlong araw akong hindi pumasok at paniguradong tapos na ang founding Anniversary at naghahanda ulit ang lahat ng estudyante sa Final. Linggo nalang ang bibilangin at malapit na ang graduation.

Huminga ako ng malalim bago kinuha ko ang phone na kanina ko lang naalalang i-charge. Masyadong okyupado ang utak ko sa nalaman. Hindi ako nakapagbukas mula ng umalis ako. At siguradong tinadtad na naman ako ng message ng Rover na yon. Magtataka siguro kung bakit wala ako ng tatlong araw.

Dun palang ay napapangiti ako. Matapos nito ay ipapaliwanag ko sa kanya lahat. No secret at all.

Pagkabukas palang ng messages ay agad ng nangunot ang aking noo. Galing lahat sa ka-block ko na lahat tinatanong kung nasaan ako. Nanlumo ako ng wala manlang mensahing natanggap sa kanya. His last message ay ganun pa rin walang nadagdag manlang. Something caught my attention. I opened the message of kuya Storm.

"Fuck Hiaisinth! Where are you?!"

"Are you okay?"

"Huwag ka munang pumasok. If you're safe just stay where you are."

Something is wrong.

Binuksan ko ang website ng Monterial Academy at tumambad sa'kin ang balitang nasunog ang main building exactly the main office of Alpha.

Kumabog ang puso ko sa iniisip. Don't tell me?

Mabilis kong niligpit ang gamit at nagmadaling pumunta sa Monterial Academy. Gabi na ng makadating ako dahil sa haba ng byahe. Dumaan ako sa likod kung saan doon lagi ako pumupuslit. I tried not to be caught. Tahimik akong naglakad sa pasilyo papunta sa'king kwarto.

Devil in Disguise: Vengeance Series 1Where stories live. Discover now