DID-14

478 24 0
                                    

Nakangising umalis ang walangya at iniwan akong nakatanga. Ang gago huta bakit pakiramdam ko, ako ang lugi 'di manlang ako nakatugon. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang tambol ng puso pakiramdam ko anumang oras aalis sa katawan ang puso ko. Yung isip ko hindi maka isip ng maayos.

Marami na'kong nakahalikan at hindi tulad ngayon ang nararamdaman ko pero taena yan siya ang naghalik sa'kin. Napanguso ako dahil yon dahil super lugi talaga ako. At ang nakaka asar lang yung ngiti niya. Ugh! Nakakainis.

May pumarada sa harap ko na itim na kotse. Binaba ng may ari ang windshield at ang walangyang lalaki nakangisi pa sa'kin.

"Get in." Utos niya sa'kin na imbes gawin ko ay sinamaan ko siya ng todo yung tipong tagos hanggang kaluluwa niya. Pero ako ang naasar sa ngiti niya, yung tipong wala akong laban.

"Still starstruck of what i did." Hindi ko siya inimik at marahas na binuksan ang pinto ng kotse niya.

"Dahan dahan naman paalala lang nakikisakay ka lang." Inis na sabi niya na ikinairap ko.

"Hindi manlang kase pinagbuksan, what ungentleman and correction lang pinilit mo kong pasakayin."

"Hindi uso sa'kin ang maginoo, try mo kaseng magself service." Sambit niya saka inis-start ang sasakyan.

"Hindi na nga maginoo, bastos pa." Singhal ko at bigla nalang akong napaatras ng maramdaman ang hininga niya banda sa leeg ko, putcha amoy na amoy ko ang pabango niya please 'wag kang lumayo chos.

"Pinaalala ko lang yon para sa utang mo." He whispered at naramdaman ko nalang ang pagkabit ng seatbelt niya sa'kin. He winked at me saka siya lumayo na ikinahinga ko ng maluwag, hayeop talaga yan.

Nanahimik nalang ako ng maalala nga yung sinasabi niyang utang. I almost drunk that time kaya hindi ko na alam ang nangyari sa paligid at kung sino ang naencounter kong tao. Unluckily siya yung tao na nakasalamuha ko at inutangan para makabili ng yakult at barbecue. Na-crave kase ako pag ganun lalo na kung lasing nun.

Iniwan ko rin siya na 'di manlang ako nagbayad pero bago ako umuwi i promise na babayadan ko siya. Hindi ko kinakahiya ang halik ko sa kanya like duh parang nagustuhan niya rin naman.

Buong byahe ay tahimik lang yung tipong kung may magsalita bitay agad parusa, buong byahe rin nasa labas ang tingin ko at ramdam ko naman na panay ang tingin ng walangyang lalaki na'toh. Binibigyan lang lagi ako na kabang nararamdaman.

"You're not gonna asked me where we going?" Biglang tanong niya na ikinalingon ko akala ko nalunok na niya ang kanyang dila.

"Hindi mo naman yata ako gagahasain."  Mahinahong sambit ko na ikinaawang ng bibig niya at maya maya'y bigla nalang siyang tumawa. May sapak sa ulo confirmed.

"Ako HAHAHA?!" Natatawang itinuro niya ang sarili. Nagtaka pa 'e siya lang naman kausap ko engot naman. "You're not my type and my ideal girl, hindi ka rin pasok sa standard ko." Sambit niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa tsaka tumigil ang tingin niya sa dibdib ko kaya agad kong iniharang ang kamay sa dibdib at ang gago tawang tawa naman.

Sinamaan ko siya ng tingin at nginisihan. "We'll let see. Sana mapanindigan mo yang sinabi mo."

Naramdaman ko naman ang paghinto ng sasakyan kaya napabaling ang atensyon ko sa labas. Pamilyar sa'kin ang lugar medyo may ilang tao at kabataan ang nakikita kong palakad lakad parito't paroon.

"Why we're here?" Tanong ko sa kanya saka nilingon pero punyeta nakalabas na pala ang gago. "Nice talking." I said note the sarcasm lumabas na'ko at hindi na hinintay na pagbuksan dahil 'di niya yon gagawin.

Nang makalabas ay dun ko napagtanto kung nasaan nga kami. I look at Rover na naglakad palapit sa nagtitinda ng barbecue. Napanguso akong sumunod nalang hindi manlang kase hinintay.

Devil in Disguise: Vengeance Series 1Where stories live. Discover now