Chapter 18

7 1 0
                                    

Maaga akong pumunta sa perya upang mas maaga na din akong maka-uwi. Ilang buwan na din akong nagtatrabaho dito pero hindi parin ako nakakahanap ng paraan pa'no makuha ang perlas. "Good morning Shea!" bati ko sa kanya na nag-aayus ng mga props. "Kamusta ang performance niyo kagabi maayos ba?" tanong ko habang tinutulungan siya sa pagliligpit. "Mabuti naman Travis, pero si Sir Juliano ay galit na naman." sa totoo lang palagi naman talagang galit yung matabang matanda na 'yon. "Oo nga pala Travis may utos pa pala sa akin, ikaw nalang muna ang bahala dito ah?" dali-dali naman itong umalis at iniwan na sa akin ang lahat ng mga props at mga basag na mga pinggan. Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin ay pasimple naman akong nagtungo sa silid ni Juliano."P*ta! Kahit talaga kailan ang tatanga niyo! Hanapin niyo naman ng maigi, sigurado akong hindi pa 'yon nakaka punta sa dagat!" hinahanap parin pala niya si Shereina, agad naman silang napalingon sa akin ng may mabasag na vase sa aking tabi. Seryoso ang tingin nito sa akin.  "Mag ingat ka naman!" boses palang nito ay manginginig kana. Tinanong naman nito kung kanina pa ba ako dito sa pinto sinabi ko naman na kakarating kulang upang kumuha ng mga props, mabuti naman at naniwala ito. 'Yon nga naiwan ako dito sa kanyang opisina upang linisin ang nabasag kung vase. Habang kinukuha ko ang mga bobog na nagmula sa nabasag ay may napansin akong isang kumikintab na kwentas sa kanyang lamesa agad ko naman itong tinignan at laking gulat ko nalang na amg kwentas palang ito ay ang perlas na matagal ko ng gustong makuha sa kanya. Tumitingin naman ako sa pinto upang magmatyag baka kasi may biglang dumating. Pasimple kong inilagay ang perlas sa aking bulsa at ka agad ng lumabas pagkatapos kong malinis ang nabasag na base. Normal naman akong lumabas ng opisina at agad umalis sa lugar. Bahala na kung malaman niya ang ginawa ko basta kailangan ko na itong ibalik kay Shereina, sumakay na din agad ako ng jeep pauwi.

Maya-maya pa ay bumaba na din ako at nag bayad at agad ng pasok ng bahay. "Kuya may problema ba?" tanong sa akin ni Charito ng mapansin niya akong balisa habang naglalakad papunta sa kinaruruonan ni Shereina. Hindi ko nalang siya pinansin bagkus ay binuksan na ang pinto at doon ay bumungad sa akin si Shereina na nagpapahinga agad naman itong nagising ng mapansin niya kami, tinanong naman nito kong may problema ba pero hindi na ako nag salita at ipinakita agad sa kanya ang perlas.

Hindi naman maipinta nito ang ngiti sa kanyang labi at doon ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Merci, Travis!" (Thank you, Travis.) "Kuya makakabalik na si ate Shereina sa dagat?" malungkot na tanong ni Charito. Niyakap naman niya si Shereina dahil ma mimiss niya daw ito. Doon ay hinipan na nito ang perlas at dahan-dahan ng naging paa ang makintab nitong buntot, agad naman kumuha si Charito ng kumot upang matago ang maputi at makintab nitong katawan.

Halos hindi makapaniwala si Charito sa kanyang nasaksihan. Kumuha naman si Charito ng damit na isusuot kay Shereina. "Kailangan ko ng bumalik sa dagat..." malungkot nitong sabi. "Agad-agad? Hindi ba p'weding bukas nalang o mga ilang araw pa ate Shereina?" puot mukhang sabi ni Charito, lumapit naman si Shereina sa kapatid ko at niyakap ito. "Désolé, mais je dois y aller maintenant, pero huwag kang mag-alala nakaka siguro naman ako na hindi pa ito ang huli nating pagkikita." (Sorry but i need to go now.) malambing itong nagsalita habang yakap-yakap parin si Charito, sana yakapin mo din ako, Joke."Kung gano'n ay tara na, bago ka pa makita ni Lola at ni Kuya Titus." sabi ko naman, sabay naman silanh tumango upang pagsang-ayon.

Lumabas na kami upang pumunta na ng dalampasigan. Sa totoo lang mamimiss ko si Shereina, Mamimiss ko ang kanyang nakaka-akit na mukha at boses. Sinigurado naman namin na walang tao sa paligid bago niya ibinalik ang kanyang buntot. "Ate Baka naman ipasyal mo muna ako sa inyo hehe." agad ko namang binatukan si Charito sa ulo, na paaray naman ito dahil sa sakit. "Sa susunod nating pagkikita pangako ko sa'yo ipapasyal kita sa dagat." nakangiti nitong sabi sa aking kapatid, ito namang si Charito ay abot langit na ang ngiti akala mo naman na makikita pa namin muli si Shereina. I want to hug her but I'm too shy to express. Nahihiya ako na sabihin o ipakita sa kanya na mamimiss ko siya. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay nagdisisyon na itong umalis bago pa may makakita sa kanya. Kumaway kaway naman kami sa kanya kahit hindi na niya kami natatanaw. Paalam Shereina hanggang sa muli nating pagkikita.

"Kuya ate Shereina was gone..." malungkot na sabi ni Charito habang tumatalikod na kami da dagat. Nagtampo din ito dahil nagmamadali si Shereina na umalis kaya hindi nito natupad ang kanyang gusto na magkaroon siya ng buntot kahit saglit lang. Habang nag-uusap kami ni Charito ay biglang bumungad sa akin si Shea kaya hindi ko maiwasan na magulat.

I asked her why she's here, nakita niya daw kasi ako na madaling umalis kaya sinundan niya daw ako. Kung sinundan niya ako, gano'n ba siya ka pasensiyosa at nahintay pa talaga ako sa bahay hanggang dito? Pinauna ko na din si Charito na umuwi upang mabantayan si Lola. "Nakita ko siya." panimula nito. "Great, you're not blind.." sarcastiko kong sagot.

"Ang perlas ba na hawak nung sirena ay yung kwentas na na do'n kay Sir Juliano?" tumango naman ako bilang sagot, sinabi ko naman sa kanya na tapos na ang mission ko do'n at kailangan ko ng umalis pero hindi siya pumayag dahil alam nito na ako ang mapapagbintangan ng pagkawala ng kwentas dahil umalis ako ng walang paalam.

"Bumalik na muna tayo do'n Travis.." hinila na niya ako palakad pero agad ko naman itong hinablot. "Sorry Shea pero wala na akong dapat pang gawin do'n... bahala na siya kung pagbintangan niya ako, hindi naman niya ako kilala pati na ang lugar na tinitirhan ko." latanya ko pero umangal din ito dahil sobrang dilikado daw yung Juliano na 'yon dahil marami daw itong mga koneksiyon at hindi posible na mahanap ako kapag nagkataon.

Pearl (Love And Sacrifice)Where stories live. Discover now