Chapter: 4

10 3 0
                                    

Naka-upo na ako sa buhangin, halos mataranta na ako sa nakikita ko. Ang paa ko ay naging buntot na ng Isda, yung kamay ko naman ay may mga kaliskis na din. Shit, ano ba'ng nangyari sa akin? May napansin naman akong isang tao na papalapit sa aking kinaruruonan kaya agad akong nagtago sa malaking bato. Baka pagkamalan ako nitong demonyo. Maya-maya pa'y umalis na din ito kaya agad na akong umalis sa aking tinataguan ng biglang... "G-ginoo?" nagulat ito ng makita niya ako. Siya yung babae na may ari do'n sa perlas. Ilang segundo din kami nagkatitigan. Agad naman itong lumapit sa akin. "Ginoo, lumangoy ka." what the? E, hindi nga ako marunong lumangoy tapos papalangoyin niya ako? "Ginoo, bilisan niyo na kung ayaw niyong mahuli ng mga tao." mahinang sabi nito. Kahit nalilito ay nagtungo na ako sa dagat. Shit baka malunod ako nito. Humanda talaga siya sa akin kapag nalunod ako, mumultuhin ko talaga siya. Nagulat naman ako dahil hinila niya ako papunta ng dagat. What's wrong of this girl ba. Makahila wagas. Buntot niya 'to? Hanggang sa pati siya ay lumangoy na din. "Ugh!" napa-ungol nalang ako bigla ng hilahin na niya ako sa ilalim. Shit, nilulunod ba niya ako? Nagulat naman ako ng mag-iba ang kanyang wangis. Nag-iba na din ang kulay ng kanyang buhok. Nagkaroon na din ito ng buntot. Do'n ay mas nakita ko ang kanyang balingkinitang katawan. Mas maputi pala siya. Nahihirapan na akong huminga shit. Nasa ilalim na talaga kami. Nagpupumiglas na talaga ako. "Huminga ka." nagsalita naman ito, pero ang nakakapagtaka lang ay hindi naman gumagalaw ang bibig nito. "Ab, bob, ab-" pinilit kong magsalita pero hindi ko magawa dahil nasa ilalim kami ng tubig. Hindi ko na talaga kaya, nahihirapan na akong huminga. But I was surprised when I was still breathing. Ano ba'ng nangyayari? Bakit nakakahinga parin ako? What the hell is going on. Who is this woman? And why did I become like this? Until finally she pulled me to the deeper part of the sea. Hindi naman din ako gaano nahihirapan sa paghinga. I imitated his swim. As we swam I just stared at her face. Sumasabay naman sa paglangoy ang mahaba nitong buhok. Ang ganda niya. I can't believed what I saw right now. It's like a dream. Kung panaginip man 'to sana hindi pa ako magising. Hinihila niya parin ako papailalim. Wala naman din akong magagawa kundi lumangoy na din. Sa totoo lamg ay para akong ewan sa langoy ko, mapapahiya na ako. Pinagmasdan ko naman ang buong paligid. Sobrang linaw ng tubig, makikita mo talaga ng maayos ang mga sea creatures like fish, turtle jelly fish and other big mammals. Sa totoo lang ngayon ko lang sila na kita in person. Halos mapanganga naman ako sa pagkamangha. Siguro panaginip lang 'to. Imposible naman na makakahinga talaga ako sa ilalim ng karagatan. Pansin ko naman na parang aahon na kami. Tama ako dahil umahon na nga lami. Nandito kami sa isang isla na mabato, hindi ko naman alam kung sa'n 'to dahil hindi pa ako nakakarating dito. "Wait.... Why did you bring me here? At ano ka ba talaga?" nag tataka kong tanong. Agad naman itong gumapang sa may batuhan at naupo. "Ako si Shereina, taga bantay ng mahiwagang perlas na iyong ninakaw." what the hell she talking about? Fvck. Kumuha ako ng bato at ipinokpok ko sa aking kaliwang kamay. "Ahh!!" hindi ko naman maiwasan na sumigaw dahil sa sakit. So? Ibig sabihin na hindi talaga ito isang panaginip? Pero pa'no? Bakit? "I-isa k-kang sirena?" pautal kong sabi. Naka dapa parin ako may mga buhangin. Tumango naman ito bilang sagot. Damn it. Mermaids are real? Impossible. "Paumahin Ginoo ngunit kailangan mo ng ibalik ang perlas. Ibabalik ka din nito sa dati mong wangis." mahinahon nitong sabi. Pero, wala na sa akin ang perlas. Dahil sa pagkabigla ko ay hindi ko na alam kung nasaan na ito. Nagulat naman ito nang sabihin ko na naiwala ko. Baka nando'n pa kung saan ako kanina. "Dilikado ng bumalik do'n. Sa mga oras na ito ay marami ng taga lupa."

"Diba nagkaroon ka ng paa. So, ikaw nalang bumalik at maghanap sa perlas. Dito nalang ako maghihintay sa--" hindi ko na natapos ng bigla itong sumingit. "Hindi ako magkakaroon ng paa hanggat wala sa akin ang perlas." so paano na? Paano na ako babalik sa dati? Ayuko sa itsura ko. Binanggit naman nito na no'ng time na hindi niya nakuha ang perlas ay hindi siya makakabalik sa dagat dahil hindi na niya muli makukuha pa ang perlas dahil hindi na din ito magkakaroon ng paa muli. Shit. Paano na 'to? "I need to go back. Kailangan kung mahanap ang perlas, baka mag-aalala na ang pamilya ko!" lalangoy na sana ako ng pigilan niya naman ako. "Tumugil ka! Kung babalik ka do'n sigurado ako na makikita ka nila."

"I don't care. I tell them na I'm a human too.. Sasabihin ko sa kanila na tao din ako." pagpipilit ko. "Paumanhin ngunit hindi kita maaaring payagan. Mapapahamak kalang sa iyong gagawin. Hayaan mo, kapag dumilim na ay babalik tayo do'n. Nakaka-siguro naman ako na wala ng mga taga lupa sa mga oras na 'yon." bakit ba kasi naging ganito yung sitwasyon. Nandito ako sa isa na hindi ko naman alam kung nasaan, at ang mas malala pa'y kasama ko ang isang sirena na ang buong akala ko ay isa lang alamat. Naka-upo lang ako sa mabatong banda ng dagat habang tinitignan ang aking buntot. Totoo ba talaga 'to? May buntot ako? Umalis naman si Shereina dahil kukuha lang daw ito ng pagkain. Pero mag tatlong oras na pero wala parin siya. GHOSTER ahmp. Gabi na din ng dumating ito. "What the hell is that?"

"Pagkain." wait....what? Lalasonin niya ba ako? Wait.... I remember this? This is a Seaweeds. Yah, I'm right. Inabot naman niya sa akin ang weird na pagkaing dagat. Tumanggi naman ako dahil ayaw kong kumain ng damo. "Tikman mo lang." mamimilit parin ito. Kahit diring diri ay kinuha ko ma ito at kumuha ng isang peraso. Dahan-dahan ko itong inilagay sa bibig. Tubig alat lang yung nalalasahan ko. Nginuya ko na din ito. May lasa din naman pala ito. Masarap din naman. Tinignan naman niya ako na nakangiti. "Why are you looking at me?" nakatingin lang ito sa akin. Kahit madilim ay naaaninag ko parin ang maganda nitong mukha. Halos kumikislap din ito na para bang isang dyamante. Maliwanag naman ang buwan kaya hindi masiyadong madilim. "Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?" paulit ko. Sabi naman nito na wala lang. Inayos naman nito ang kanyang buhok malapit sa kanyang taenga. What the hell are you looking at her, Travis! Don't you dare na naa-akit ka sa kanya. Oo maganda siya pero hindi siya ang tipo kong babae. Ang gusto ko ay may paa. May binti at may... Never mind. Tsk. "Ginoo, maaari ko bang malaman ang iyong ngalan?" bumalik ako sa wisyo ng kausapin niya ako. "T-Travis." bakit ka ba na bubulol self. Napansin ko naman na may pangil pala ang babaeng 'to. Aswang ba siya dati?

Pearl (Love And Sacrifice)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora