09 - Absolute Value

Start from the beginning
                                        

"Virtual ka-dinner."

Talagang mahilig siya sa random kwentuhan at kalokohan. Ewan at napapayag niya akong sabayan siya sa mga trip niya.

"Ano!?" masungit kong sabi nang nag ma-make face siya sa harap ng camera.

"Ano!?" pag-ulit niya para mainis ako lalo. Talagang kabisado niya kung paano painitin ulo ko.

"Ayusin mo nga sando mo," utos niya bago umirap.

Sinunod ko naman at inayos. Naka-sando nga lang pala ako. Hindi ko naman sinasadya dahil nasa bahay lang naman ako. Tawag-tawag kasi 'to, epal.

"D'yan na si mama–"

Akala ko mama niya tinutukoy niya, lumingon ako sa likod. Dumating na pala si mommy.

"Si Iesu 'yan?" mom asked. Tumango lang ako at inalok na siya kumain. Ngumiti lang siya at lumapit para magpakita sa camera.

"Hi hijo!" she waved at ngiting-ngiti.

"Hi, tita! Kain po."

Mom smiled and said she aready had a dinner. Ngumiti nalang rin ako. Patapos na ako kumain. Agad akong umakyat ng kwarto matapos ko hugasan ang pinagkainan ko. Ganoon lang set up, busy kasi si mommy these past few weeks. She's working on something daw. Hindi na ako nang-iistorbo.

"Okay ka lang?" he asked.

"Oo, ikaw okay ka na?" balik ko sa kaniya.

"Okay naman ako."

"Tanga. Tapos ka na ba maghugas?" I asked.

"Bakit ako maghuhugas?"

"Kumain ka eh!" alam ko.

"Eh? Paper plate ginamit ko. Hahaha!"

"Namoka, tamad."

"Baliw! Ngayon lang."

Naupo na ako sa kama at handang ibagsak ang katawan roon.

"Mamaya ka na mahiga, kakakain mo lang." saad niya. Sinimagutan ko lang siya.

"Attitude ka girl?" dugtong niya pa.

I chuckle, "Sampalin kita bukas."

"Wow nagpapaalam pa!" iring niya.

"Ay oo nga pala! 'di ba every morning mag co-coffee tayo kina Ash?"

"Yup! Iyon rin pala ang sasabihin ko," I smirked, "sige bukas, ano oras?"

"7 AM."

"Okie. Libre mo 'ko, ah?" pahabol ko.

"Luh, ang galing mo! Gusto mo sumabog mukha mo?" banta niya.

Natawa ako. Palagi nalang siyang may rebutt sa mga sinasabi ko. Maya-maya ay tuluyan ko nang binagsak ang katawan ko sa kama. Marami pa kaming napag-kwentuhan, tulad ng nakagisnan naming gawain.

Euphoria's Shadow Where stories live. Discover now