EPILOGUE

52 5 5
                                    

"Aww! Thank you, mahal!" agad ko siyang binigyan ng yakap nang matanggap ang letter niya.

"Happy anniversary, Ingrid ko!" he exclaimed, planting a gentle kiss on my forehead bago niyakap kaming dalawa ni Iris patalikod.

Natutuwa ako. Kailanman hindi namin napag-usapan ang mga ganitong bagay noong magkasintahan palang kami. The moment we fell in love, as the universe seemed to conspire in our favor, guiding us towards each other. It's like everything happens on its time, we have Iris, we have our dream house, we have the love that we need.

"Happy anniversary, master!" I chuckled.

Nag-ayos ako para maghanda ng special dinner namin, siya ang nag alaga kay Iris magdamag para makapagluto ako ng masarap na ulam at handa namin para i-celebrate ang aming anniversary.

"Bukas off ko, punta tayo sa Batangas," aya niya.

"I would love to! Pero kailangan ako sa site.." binigyan niya ako ng kakaibang tingin. I laughed, "okay po, Engineer Vasquez. Sabi ko nga, pupunta tayo sa Batangas bukas."

Paano ako makakatanggi e, siya na mismo nagsabi. I'm happy na kahit papaano, napagsasabay namin ang buhay pamilya at pangarap namin.

Inayos ko na ang table sa may garden kung saan doon kami maghahanda, I prepared small lights and candle para bongga yung ambiance habang kumakain. Nang maayos na ang lahat, nagpaalam lang akong aakyat at kukunin ang gift sa kaniya.

I burst into laughter nang pagbalik ko may cake na sa lamesa. Aba! Nagpa-deliver ang loko. It's a minimalist cake na may drawing ng pointing index finger na nakaturo sa okay sign. 👉🏻👌🏻 Then may nakalagay na Iris number 2.

Gosh, this naughty.

"Puro kalokohan, Iesu! Hahahaha!"

"Well," tumango siya bago inihanda ang uupuan ko, always a gentleman.

Tinignan ko si Iris na nakaupo sa high chair bago siya hinalikan. Nakakatuwa, naalala ko ang first word niya, "hal." Madalas niya kasing naririnig sa amin iyon ni Iesu na tawag ay 'Mahal'.

After ng kulitan ay kumain na kami. We took a lot of pictures and create new memories. We celebrated our night like that.

"Do you want anything?" tanong ko kay Iesu. Narito na kami sa resort. Same beach na pinuntahan namin noong unang mag-swimming kaming dalawa. Ang sabi niya dati, ang may-ari ng resort na ito ay family friend lang nila, iyon pala sa angkan nila ito mismo. Argh! Iesu!!!

Hiniram nina daddy at mommy si Iris, they missed her so much and told us na we should enjoy this day for us two.

"Kumusta si Iris?" he asked, wala png ilang oras e hinahanap na agad niya ang baby namin.

"Tulog pa raw," sagot ko. "Gusto mo ba kumain muna?"

"Ikaw, gutom ka na ba?" balik niyang tanong. Umiling lang ako.

"Uhm, sabay nalang tayo. Hindi pa naman ako gutom," sagot niya. I smiled bago siya tinabihan sa upuan.

Nagbabalat siya ng orange. Sumandal ako sa couch bago naglambing. Binigay niya sa akin yung orange na nabalatan na niya.

Euphoria's Shadow Where stories live. Discover now