01 - City lights at night

106 6 10
                                    

I saw Orion's belt in my dreams earlier. It's so beautiful. Kahit anong antok ko, napabangon ako para isulat sa journal ko ang detalye ng panaginip na iyon. Kinuha ko rin ang sketch pad ko at ginuhit kung ano ang nakita ko sa panaginip ko.


Alnilam, Alnitak, and Mintaka.


Napangiti ako habang nakatingala sa kalangitan, tanaw ang mga bituin at ang liwanag ng buwan. Sa malayo ay kita rin ang city lights at nagtataasang mga building.


In-open ko ang phone ko, ngayon ko lang na-receive ang message ni Lianne. It's her picture na nakakunot ang noo. Natawa ako at nag-react nalang ng emoticon as reply. Mahilig kasi 'yon magpuyat tapos sa room matutulog. Napasandal ako sa kama habang tinatanaw sa bintana ang ganda ng langit.


Sana close ko rin si Bren.



Napabuntong-hininga ako nang buksan muli ang phone ko at ini-stalk ang Instagram profile ni Bren, puro pictures nila ni Lianne ang laman ng feed niya. Lagi naman dine-deny ni Lianne na malabong magka-gusto sa kaniya si Bren kasi kapatid lang raw ang turing nila sa isa't isa. Ang weird man isipin pero gusto ko malaman 'yong feeling na kasama tumawa si Bren. Gusto ko rin marinig siyang magsalita tungkol sa mga bagay na nararamdaman niya.


Unang beses na nga lang ako magkagusto, sa lalaki pang alam kong kailanman ay hindi ako mapapansin. Si Lianne lang naman kasi ata ang babaeng kinakausap niya. Kaya naman, inaral ko ang mga hilig niyang bagay. Naisip ko baka mapagtagpo kami ng bagay na iyon sa gitna. He likes poetry samantalang ako, I like arts and writing. Hindi naman nalalayo ang mga bagay na iyon 'diba? Kaya ko naman sumubok ng bago.


Nagsimula akong sumulat ng mga tula magmula nang maging crush ko siya, about a year ago. Noong una ay gumagawa lang ako ng mga 'yon para sa kaniya pero ngayon parang hindi na. Nagustuhan ko na talaga lumikha ng tula pero siya pa rin naman ang laman ng aking mga paksa.


Nang matapos ang klase ng Creative Nonfiction, agad kong kinalkal ang bag ko dahil mukhang naitapon ko 'yong scratch na pinagsulatan ko ng tula namin.


"Nagawa mo na 'yong tula na pinapagawa niya?" I asked Lianne, na mukhang hindi nakakaranas ng stress.


"Nope," maikling sagot niya. Napakunot na lang ang kilay ko. Parang walang pressure sa buhay si Lianne. Lahat ata ng bagay kaya niyang gawin.


Napangiti nalang ako nang irapan niya ako. Swerte ko sa kaibigan ko na ito, pero mas swerte siya sa akin kasi sa tuwing inaantok siya, willing akong takpan siya para 'di mapansin ng prof namin na natutulog.



"Ninja!" sigaw ko at hinabol siya palabas ng classroom. Agad kong binagalan nang mapadpad sa hallway na medyo maraming estudyante.

"Whatever!" she shouted back.

Sinundan ko siya ng lakad at inusisa ang dala niyang gamit. Para namang mag P-PE class 'to sa dala niyang paper bag.


"Saan ka mag l-lunch?" I asked at sinabayan na siya sa paglalakad.


"May dadaanan muna ako. Sama ka?" tanong niya, hindi ako sumagot at sinundan ko nalang siya ng lakad. Wala naman akong gagawin, nagugutom na ako at balak ko sana sumabay sa kaniya sa lunch today kaso may na se-sense akong kasabay niya na si Bren.


"Sinong susunduin mo d'yan? May boyfriend kang STEM?" gulat kong sambit, napalakas ata pagkakatanong ko no'n dahil pinagtinginan kami ng mga taga-ABM na naglalakad.



Euphoria's Shadow Where stories live. Discover now