05 - Love that drowns oceans

36 6 4
                                    

"I was 12 years old nang malaman kong adopted ako." I gave him a little smile. I'm expecting na ma s-shock siya pero hindi. Hindi siya nagsasalita, hinihintay niya muna marinig ang mga sasabihin ko.

Nagkulong ako sa kwarto kasi narinig ko na naman sila na nag-aaway. Walang gabi ata na hindi uuwi ng lasing si daddy. Nagtatalo sila lagi sa maliit na bagay, hanggang sa magsumbatan at habang pasakit nang pasakit ang mga binibitiwan nilang salita. Palalim rin nang palalim ang sugat na tumatama sa puso ng bawat isa.

"Hirap na hirap na ako! Lagi ka nalang gan'yan sumalubong. Tanginang buhay 'to!"

"Talaga. Talagang tanginang buhay 'to! At sino ba naman matutuwa na gabi-gabi nalang ganiyan ang gawain mo? Uuwi ka ng lasing? Uuwi ka kung kailan mo gusto. Para kang walang pamilya ah?"

"Hindi mo nakikita sakrispisyo ko! Puro ka sumbat, puro ka bunganga! Sinong hindi magsasawa sa ganiyang ugali mo?"

"Iyan! Lumabas rin sa bibig mo! Sawa ka na. Alam mo, kung pagod ka na magtrabaho para sa pamilyang 'to, ako na mag t-trabaho! Hindi mo kailangan isumbat na hindi ko nakikita sakripisyo mo, Hon!" palitan nila ng sagutan.

Habang ako nasa loob ng kwarto, umiiyak. Hindi ko alam paano sila pakalmahin. Natatakot ako. Baka magkasakitan sila. Natatakot akong magkahiwalay sila.

"Alam mo ang hirap sa'yo puro ka satsat, talagang nakakapagod ka. Mabuti pa talagang hindi na ako umuwi e!" arangkada ng daddy.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila. Hawak ba nila kamay ng isa't isa? Nagkakasakitan ba sila? O kaya, sinusubukan ba nilang unawain ang isa? Gumagawa ba sila ng paraan para ibaba ang tensyon? Hindi ko alam. Wala akong magawa.

"Dapat nga siguro, Tony! Akala mo hindi ko malalaman na may babae ka? H-hindi lang alak bisyo mo pati babae mo! Alam mo kung pagod ka na, pagod na pagod na rin akong intindihin ka. Pagod na akong magtanga-tangahan!"

I'm in the corner of my room nang bigla akong tumakbo sa may pinto palabas para bumaba. Ang sakit ng narinig ko pero ayaw ko na lumala. I didn't know how to help fix things, but I went down to hug mommy, begging them to stop.

Begging them to stop.


But dad pushed me away.


"Tony!"

"D-daddy!" I cried, in that moment, my world was filled with pain adn fear as as my own father pushed me away, and I heard my mother's anguished cry.

"Sana hindi nalang tayo nag-ampon! Alam mo kasi kung binigyan mo ako ng anak, hindi tayo magkakanda leche-leche!"

Ampon.

"After knowing na ampon ako, wala naman nagbago. Hindi ko naman naramdaman na iba ang turing nila sa akin in the first place. I know sobrang lasing lang si daddy no'n kaya niya nasabi 'yon," paliwanag ko. I looked at him, tahimik lang siya.

"Matigas kasi ulo ko noon, bulakbol. Hindi nagseseryoso sa pag-aaral. Total opposite kung sino ako ngayon. Akala ko ayos lang ang lahat pero ang sakit rin pala," pinigilan kong hindi tumulo ang luha ko at agad na pinunasan ang patak na kumawala.

Euphoria's Shadow Where stories live. Discover now