From: Lianne
: Bati na kami. Thank you, Nayaaah!
Napangiti nalang ako. That's what I want. Masaya akong masaya si Lianne. Nai-imagine ko ang sarili ko na mayroon rin akong kaibigan tulad ni Bren. At s'yempre, may future boyfriend rin sana.
Teka. Why am I wishing to be Lianne? If si Bren ang gusto ko, e'di dapat ang hinihiling ko ay maging girlfriend niya. Hinihiling ko na sana nag e-exist rin ako sa buhay niya. Ang kaso ayaw ko i-push sarili ko if hindi niya ako magustuhan. Hindi ako tulad ni Lianne na malakas ang loob. Now, her long-time crush will soon to be her boyfriend.
Nagulat ako nang mag-ring ang phone ko. Tumalon puso ko.
Iesu Vasquez Calling...
"Ano?!" masungit kong bungad.
"Aga, aga, highblood ka."
"Ano nga? Ligoy pa eh," iritable kong tanong.
"Ayaw ng ligoy? Ligaw nalang."
"Parang tanga. Ayos kasi! Kala mo laging biruan ang wala."
"Luh, attitude ka?"
Natawa ako bigla. Tae talaga nito. Hindi manlang nasindak sa akin kahit konti.
"Ngayon, tatawa-tawa ka?" dugtong niya.
"HAHAHAHAHA gago ka talaga. Hindi ka ba natatakot sa'kin?"
"S'yempre takot. Demonyo ka eh."
"Fuck you, Iesu Vasquez!"
"G."
"Ew. Ano ba kasi? Bakit ka tumawag?" Panigurado wala lang 'tong kausap. Irereto ko na talaga siya kay Stella bukas agad.
"Busy ka?"
"Pag sa'yo, oo."
"La?"
"Joke, hindi. Bakit nga?"
"Dinner tayo?"
"Why?" inayos ko ang aking upo at pinatong ang unan sa aking binti.
"Hahaha! Anong why? Malamang gutom na ako."
"Edi kumain ka! Bakit ka nagpapaalam?"
"Galit ka na naman, ayusin muna natin 'to bago ako kumain."
Natawa ako sa sinabi niya kaya tumawa rin siya.
"Para kang gago," singhal ko.
"De, sabayan mo lang ako. Wala kasi akong kasabay."
Napatingin ako sa phone ko, umilaw ito at nag-appear ang display picture niya. Naka-polo siya na open ang tatlong butones at kita ang gold chain necklace niya.
"Sige na kumain ka na," saad ko. Naglakad ako pababa para tumungo sa kusina. Kumuha ako ng pagkain at pinatong ang phone sa holder nito bago binuksan ang cam.
"Wow, ganda 'yan?" pang-iinis na bungad niya. Inirapan ko lang siya.
Nag-umpisa na ako kumain, tumayo na rin siya at paniguradong kumukuha ng kaniya.
YOU ARE READING
Euphoria's Shadow
Teen FictionVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...
