KAARAWAN

107 3 0
                                    

Kaarawan

Sa aking kaarawan,
Isa lamang ang inaasam.
Na matanggap ako ng pamilya ko,
Sa kung ano o sino ako.

Ano bang mali kung ganito ako,
Hindi naman nagbago ang itsura ko,
Anak niyo pa din naman ako,
Ako pa rin naman ito.

Sa labing-anim na taon ng buhay ko,
Ngayon ko nasabing masaya ako.
Masaya ako kasi siya yung mahal ko,
Na nalaman kong ganito pala ako.

Kaya ngayong kaarawan ko,
Sana matanggap niyo ako,
Na kahit babae ang kasarian ko,
Babae rin ang gusto at minamahal ko.

-----------------------------------------------------------

Happyyy 600 reaaads sa compilation book na ito. Thaank you so much guys! And happy birthday to me!! 💙

Other stories:
- ONE SHOT STORIES
- A 7-WORD PHRASE

You can also connect or talk to me on twitter.
Un: @tepiii_minion 💙

Luha, Tuwa, at TugmaWhere stories live. Discover now