BULAKLAK

546 6 0
                                    

Bulaklak

Kay sarap talagang pagmasdan,
Ng isang makulay na kapaligiran.
Napakaganda pa sa paningin,
Amoy nito'y dinadala ng hangin.

Ang pagmamahal sa isang bulaklak,
Ay parang pag-aalaga sa sariling anak.
Hindi hahayaang masaktan o malanta,
Kaya't binibigyan ng sapat na sustansya.

Matinding pag-iingat ang kailangan,
Kung gusto mong ito'y alagaan.
Bigyan ng pataba at sinag ng araw,
Pati na rin ng tubig na tila nauuhaw.

Bulaklak na kay sarap tingnan,
Nakakagaan ng iyong kalooban.
Bulaklak na ating nilalasap,
Na tila ba'y dinadala sa alapaap.

Luha, Tuwa, at TugmaWhere stories live. Discover now