SAKIT AT SAYA

168 3 0
                                    

Sakit at Saya

Ayoko na, tigil na.
Bakit kailangang maging ganito pa?
Hindi pa ba sapat ang pagod na nadarama,
Mahal kita pero ang sakit na.

Isang gabi, tayo'y magkausap.
Ngitia'y parang nasa alapaap.
Bakit naging ganito kasaklap?
Nangyari lamang sa isang iglap.

Nagkulang ako, alam ko.
Humihingi ako ng dispensa sa'yo.
Mahal kita yun yung totoo,
Pero hindi ako yung babaeng ninanais mo.


Wala ako diyan sa tabi mo,
Wala din akong natutulong sa'yo.
Sana mahanap mo SIYA,
Yung taong ipaparamdam sa'yo yung saya.

-----------------------------------------------------------

Sometimes you need to let go of someone or something, even if that thing or person makes you so happy. Let it go if you can't make her/him happy.

Happy 500 reaaads MGA TULA!! Thank you all for your support! To more poems, reads and comments to come!!

You can talk/interact with me in twitter: @tepiii_minion

Keep safe everyonee!

Luha, Tuwa, at TugmaWhere stories live. Discover now