MAHAL PA RIN KITA

100 7 0
                                    

Mahal Pa Rin Kita

Pwede bang sabihin sakin kung may iba na?
Para naman hindi ako nagmumukhang tanga,
Na sayo ako'y aasa pa na maghihintay ka,
At hindi ako ipagpapalit sa iba..


Ayos lang kung may iba ka na,
Atleast alam kong masaya ka.
Masaya ka kapag kasama mo siya,
At masaya ka kapag kapiling mo siya.


Wag mong iisipin na galit ako sa inyong dalawa.
Kasi di naman ako galit sadyang nagseselos lang talaga.
Alam kong mali ito sa paningin ng iba,
Kaso ano bang magagawa ko? Mahal pa rin kita.

Luha, Tuwa, at TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon