KAIBIGAN

84 6 0
                                    

Kaibigan

Mga kaibigan kong maaasahan,
Laging nariyan pag kinakailangan,
Kahit kailan hindi ka iiwan,
Parang pamilya na ang aming turingan.


Kami ay nagtutulong-tulong sa gawain,
Nariyan kapag may kailangan ang isa sa amin.
Kami ay nagkakaisa pag may problema,
Problemang hindi kakayanin ng mag-isa.


Magkakasama kahit saan mag punta,
Buong araw ay laging magkakasama.
Kapag kaming magkakaibigan ay magkakasama,
Daig pa ang mga baliw sa sobrang saya.


Hindi makakalimutan ang samahan,
Kahit pagitnaan pa ng distansya.
Kami man ay magkakalayo,
Asahang nandito lang kami para sayo.

Luha, Tuwa, at TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon