LARAWAN

39 2 0
                                    

Larawan

Kay ganda talagang pagmasdan,
Ng iyong naiwang larawan.
Ngiting iyong pinapakita,
Sadyang pati ako'y nahahawa.

Sa likod ng ngiti sa iyong labi,
Mayroon ka pa lang hindi sinasabi.
Hindi maintindihan kung bakit ginawa,
Bakit ako'y iniwang mag-isa.

Nandito ako para sa'yo,
Pero bakit sa aki'y hindi kwinento?
Ang pagmamalupit at pagmamaltrato,
Na ginagawa mismo ng kamag-anak mo.

Kung sana'y kinulit na lang kita,
Kung sana'y sinama na lang kita..
Hindi sana mangyayari ang mga ito.
Sana'y hindi lang larawan ang nandito.

Luha, Tuwa, at TugmaWhere stories live. Discover now