IKAW AT AKO

59 6 3
                                    

Ikaw at Ako

Sa simula ng istorya,
Malamang hindi pa tayo magkakilala.
Ni hindi pa nga sa personal nagkikita,
Pero sayo'y palihim nang humahanga.


Iyong pagdating ay hindi ko inasahan,
Di kalauna'y, ako'y nahulog na ng tuluyan.
Sa hindi malamang kadahilanan,
Ang tingin ko sayo'y naging higit pa sa kaibigan.


Ikaw ang gusto kong makasama sa hinaharap,
Makasama ka sa pag-abot ng mga pangarap.
Ikaw na nga ata ang aking pinakahihintay,
Yung taong makakasama panghabambuhay.


Mahal kita mahal ko,
Wag kang mawawala sa buhay ko. 
Ikaw at Ako,
Hanggang dulo.

Luha, Tuwa, at TugmaWhere stories live. Discover now