PAGSUKO

49 6 0
                                    

Pagsuko

Mahal ko pasensiya ka na,
Pero hanggang dito na lang talaga.
Hindi ko man gusto na saki'y mawala ka,
Kaso hindi ko na talaga kaya.


Mahal pa din naman kita,
Pero alam kong mas sasaya ka pa.
Sasaya sa piling ng iba,
Ng hindi mo na ko poproblemahin pa.


Salamat sa lahat ng mga ginawa mo,
Naappreciate ko lahat ng mga toh,
Pasensiya na sa lahat ng pagkukulang ko,
Sadyang wala lang talaga akong kwentang tao.


Tatapusin ko na itong tula,
Kasabay ng pagtatapos ng ating istorya.
Istorya kung saan tayong dalawa ang bida,
Ngunit sa dulo'y hindi tayo ang magkasama.

Luha, Tuwa, at TugmaWhere stories live. Discover now