END OF THE CHASE : CATCH ME NOT

185 29 2
                                    

Serenity

Katahimikan.

Walang kumibo sa amin matapos kong isalaysay lahat ng pangyayaring ilang ulit ko nang kinalimutan, ngunit hindi ko nagawa.

Iyon ang multo na nabubuhay hanggang sa reyalidad ko ngayon.

Ang multong inuusig ako ng paulit-ulit.

"I-mpossible," usal ni Andryx. Halata ang gulat sa kanyang mukha.

Nabitawan niya bigla ang kanyang katana at nagsisisigaw habang sinsambunutan ang sarili.

"I thought impossible doesn't exist in your vocabulary." Napangisi ako.

"THIS CAN'T BE!!! DAMN IT!!!"

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Andryx...I'm s-orry," I said full of sincerity. "I'm sorry because I'm the one responsible for turning you into a monster."

"NO! Don't speak," hinihingal niyang sabi. "Huwag ka munang magsalita. Naguguluhan ako. Nawawasak ako. Hindi ko na 'to kaya." Muling lumandas ang luha sa kanyang pisngi.

"You experienced that shit...ngunit wala manlang akong nagawa. Bakit hindi mo manlang yun sinabi sa akin?" Paos niyang tanong.

"Noong nakuha ko na lahat ng mana ko mula kay Lolo, ginamit ko iyon upang ipapatay ang magulang mo. Iyon ang binayad ko kay Leonard Cruz at Bernardo Lee," I finally informed him. "Ang perang ginamit nila upang marating ang kanilang mga katayuan ngayon, ay mula sa akin," I explained. "Ngunit hindi nila ako kilala. All our transactions were through mobile phone only. I even used voice changer para hindi nila malaman na babae ako."

He's just staring at me.

"At akala mo ba talaga kusa mo lang nadiskubre ang relasyon ni Bryx at ng ina mo? Na-set up ko na yun lahat. Noong sinabihan kita na walang pasok dahil may faculty meeting...alam kong pumunta si Bryx sa inyo. Noong ilang beses kang dumalaw sa mansyon...alam kong minamatyagan mo na si Bryx...at alam kong ikaw ang naglagay ng cyanide sa wine niya. Noon ay nagdalawang isip pa ako dahil wala namang bawas ang cyanide na ibinigay ko sa'yo in purpose. Pero nang mabuksan ko ang kabinet nitong nakaraan lang, naliwanagan ako na ikaw nga."

Napamura siya.

"Kaya...paano ko sasabihin ang bagay na ito sa'yo noon kung kitang-kita ko kung paano ka naapektuhan ng pagkawala ng iyong mga magulang? Kinamuhian mo nang husto ang pumatay sa kanila. Ako. Kami."

"So...after all the chase...ako rin lang pala ang mali," Nanginginig niyang sambit.

Napasinghap ako nang pulutin niya ang nabitawan kong baril kanina.

Itinutok niya ito sa akin.

"Sabi ko noon...after I kill the mastermind, tiyaka ko lang papatayin ang panghuling demonyo. Ako," sambit niya.

"Ngunit paano ko mapapatay ang babaeng...ang nag-iisang babeng...minahal ko ng ganito? Paano kita makakayang patayin Serenity? Damn it!"

"A-ndry-x...," usal ko dulot ng pagkagulat, takot, at pangamba. What the hell is he saying?

"Do you belive in life after death?" tanong niya na nagpakunot sa aking noo. "I don't," siya rin ang sumagot. "Iyan ang akala ko noon. Hindi ako naniniwala sa bagay na 'yan noon."

"How about now?" hindi ko maiwasang usisain siya. Ngunit sa patanong kong iyong ay napahikbi ako.

Ngumiti siya, katulad ng ngiting iginawad niya sa akin noong umalis siya bigla.

"When my parents died...I died as well. Namatay ako kasama nila... that was my death." He sighed. "Pero noong makita kila ulit...bigla akong nakaramdam ng buhay. May umusbong na pag-asa sa akin. Na parang...gusto kong mabuhay ulit. That was my life. Binuhay mo ako, Serenity." He bit his lip. "You are my life after death, Serenity."

"WHAT ARE YOU DOING?!"

Halos mawalan ako ng ulirat nang itutok niya sa kanyang sentido ang baril. Ang nanginginig kong katawan ay biglang nanigas.

No!

Shit!

No!

No!

Please...no!

"I catch monsters. I kill demons. And I am one, I know. Kaya pati sarili ko ay hindi ko maaaring santuhin." He gave me a weak smile. "Masyadong maganda ang mundong ito para mabuhay ang katulad ko rito."

Napailing ako habag napapaiyak ng mas malakas. Pinilit kong magsalita.

"Andryx! Put. That. Goddamn. Gun. Now." mariin kong utos. "Please, Andryx," I sobbed. "I can't lose you."

"Why?"

"Dahil gusto kong magbago...magbago tayo...let's forget the past. Bata pa tayo. MARAMI PA TAYONG MAAABOT AT MAKAKAMIT SA BUHAY!"

Napailing siya.

"Nakamit ko na ang gusto ko." Pinasahadan niya ako ng tingin. "Nasa harapan ko na mismo."

Bigla akong napaluhod dahil nawalan na ng lakas ang aking tuhod. Ipinagsalikop ko ang aking kamay sa harap niya at taimtim siyang tinitigan.

"Nagmamakaawa ako sa'yo, Andryx. Stop this madness."

"Noon, sabi ko sa'yo, catch me," nakangiti niyang sambit. "But, now that I'm entering hell, catch me not."

Shit!

Napasinghap ako nang makaramdam ako ng kirot sa aking pisngi. Kumalat ang hapdi sa aking mukha at tila ba nanigas ito.

Napakurap ako nang paulit-ulit.

No! Napatingin ako sa kamay niya na may hawak na shuriken. Ang shuriken na may lason.

Hindi ito maaari!

Biglang bumigat ang mga talukap ng aking mata. Ngunit di-hamak na mas mabigat ang nararamdaman ko ngayon.

"You don't belong there, Serenity. You belong here. In this place full of life, hope, and new beginnings."

Sinabukan kong umiling kahit naninigas na ang leeg ko. Hindi na ako makagalaw.

"I love you, Serenity, with every beat of my evil heart. And I'm sorry...in behalf of my parents...I'm sorry. Susundan ko na sila...this time...I will catch the real monsters."

He smiled at me. His signature sweet smile that is comparable to a shining sun that could brighthen up even my darkest days.

But, right now, it failed.

How can that smile brighten up this darkness, if I know that it will disappear soon...permanently?

And just as simple as that.

Umalingawngaw ang putok ng baril sa gitna ng tahimik na kapatagang ito. Sa kapatagan kung saan kami unang nagkita.

Sinong mag-aakala na dito rin pala kami magpapaalam nang tuluyan?

This place is our beginning and end.

I tried to scream, ngunit masyado nang namamanhid ang katawan ko.

All I could do right now is to watch the moon above trying to shine even brighter.

Because the sun in front of me, is already losing its light.

Catch Me NotWhere stories live. Discover now