Chapter 11 : Sinner's Repentance

114 29 0
                                    

Serenity

"K-evi-n?"

Siya? Siya ang lalaking pumuslit sa loob ng mansion? A-nong ginagawa niya rito?

May kalakasan niyang pinukpok ang kabinet sa kabilang pader kaya hindi ko maiwasang kabahan.

"Are you there, Sy? Please, sabihin mong nandiyan ka! Diba nasabi mo ang tungkol sa secret passage na ito? Ito na ba yun?" pagsisisigaw niya. "Please...let me know...if you're safe," pagpatuloy niya pa na nagpatulala sa akin.

I remember, nasabi ko pala sa kanya ang tungkol sa passage na ito. But...that doesn't explain why he suddenly appeared in front of me.

"P-lease...Sy...," napipiyok niyang pahayag.

And I lost it. Kusa kong napindot ang button ng dala kong vase. Ilang segundo lang ay bumukas na ang pader na namamagitan sa aming dalawa.

Tumambad sa akin ang pagod na mukha ni Kevin. Matamlay ang mata, magulo ang buhok, at nanginginig ang labi.

"K-evin," I whispered, breaking the silence that enveloped us as we stare at each other.

I was caught off guard.

Hindi ko naihanda ang sarili ko nang yakapin niya ako bigla nang napakahigpit.

"Thanks god. You're alright, Sy,"  he finally spoke.

I felt my heart skipped a beat.

"W-hat...what are you doing here?" Naisatinig ko na rin sa wakas ang tanong na kanina pa laman ng isip ko.

Napakalas siya ng yakap at tinitigan ako ng diretso.

"To save my queen," he seriously said.

Again, heartbeat.

"Hindi ko maintindihan, Kevin. I...I...I have sinned," nauutal kong sambit na ikinailing niya.

"Natatakot ako, Sy," he stated. "The killer...he's on rampage. Pinatay niya pa lang si Clein at nasa hospital ngayon si Andryx."

I gasped.

Natutop ko ang aking bibig. Si Clein ang inatasan naming magbantay kay Andryx dahil magaling ito sa field combat. Alam kasi naming babalikan si Andryx ng killer.

Binalikan nga siya.

Ngunit...

"S-hit." That's the only word I was able to say with all the confusion and fear in my system.

Hindi ako makapaniwala.

"Yeah. Shit," pagsang-ayon niya. "And I fear that same thing might happen to you. I became paranoid." He paused. "And that fear reminded me of how much I truly love you, Sy."

Pumatak ang luha ko.

Bakit ba ganito siya magmahal?

Napakamartyr. Napaka-selfless.

"I realized that I love you more than your mistakes...your sins." He holds my trembling hands. "You have sinned, and I'm willing to love a sinner. That's the kind of love I want to offer you."

With that, he crashed his lips on mine.

Hindi ko maaruk ang samu't saring emosyon na nararamdaman ko ngayon. Alam kong masaya ako dahil naririto na ulit siya sa harap ko. Ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot, pangamba, at takot.

At dahil hindi ko na alam kung anong emosyon ang uunahin ko, nagpadala na lang ako sa kasalukuyang nangyayari.

I kiss him back with same intensity, and even more. I missed this. I missed him. I missed us.

Catch Me NotUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum