Chapter 9 : Welc👀med

122 29 1
                                    

Serenity

"Grow into a fine lady, Serenity," nakangiting sabi sa akin ni Lolo Alfredo.

"Paano po 'yun?" taka kong tanong. "How can I grow into a fine lady?"

He smiled.

"Just love. Love is the key to anything, Serenity. When you love what you do, one day, you'll just reach your greatness without even knowing it," nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.

I love my Lolo Alfredo. Palagi niya akong binibigyan ng mga regalo. Palagi rin siyang present sa birthday's ko.

"I will give you my universe, Serenity. That's a promise I must keep."

Kahit naguguluhan ako ay napatango na lang ako, at napasabi ng, "Thank you."

"Serenity? Nasaan na ba ang batang 'yun?" Rinig kong tawag sa akin ni daddy mula sa labas ng silid. Mukhang kanina niya pa ako hinahanap dahil medyo galit na ang boses niya.

"She's here, Bryx. Come in!" sigaw ni Lolo Alfredo. Ilang segundo lang ay bumukas na nga ang pinto ng silid.

"Nandito ka lang pala." Napahilot siya sa kanyang sentido. "Diba sabi ko huwag kang lumabas ng kwarto? Marami ka pang assignments na dapat tapusin."

Madalas siyang galit sa akin. Pero sabi nga ni mommy, intindihin ko na lang daw si daddy dahil marami itong ginagawa. That's why, I still love my daddy. He's working so hard for our future.

"Daddy, sabi sa akin ni Lolo Alfredo, he'll give me his universe daw po," masaya kong pahayag.

Napatigil siya at mas sumeryoso ang kanyang mukha.

"Sinabi ba talaga niya 'yan?"

Napatango ako ng mabilis.

"Yes, po." Sabi ko at nilingon si Lolo. "Diba po Lo- -"

Agad akong napalayo sa kanya dahil itim na ngayon ang mga mata niya. Anong nangyayari sa kanya? Bigla siyang ngumiti at tumulo ang maraming dugo.

Blood.

"DADDY!" sigaw ko. "Tulungan mo si Lolo!" Napalingon ako kay daddy ngunit napaatras din ako dahil sobrang lapit na pala niya sa akin.

Ngumisi siya na nagpakaba sa akin.

"D-addy."

He smiled widely.

Napasinghap ako dahil ang kulay ng ngipin niya ay...

ITIM.

Napabalikwas ako nang gising. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa mabibigat kong paghinga. Naliligo na rin ako sa pawis.

Goosebumps.

A memory tainted with a nightmare.

Napayakap ako sa aking sarili dahil bigla akong kinilabutan.

Hindi ko inakalang makakaidlip pala ako bigla. At dito pa talaga sa madilim na silid ng aking yumaong ama.

Tatlong araw na akong nandito sa aming ancestral mansion. Dito na ako lumaki, ngunit agad ko rin itong nilisan noong nagkaroon na ako ng lakas ng loob. No matter how beautiful this house is, this homes painful and scary memories.

This is the realm of my ghosts.

Ngunit dahil sa nangyari tatlong araw na ang nakalipas, I decided to stay here. I decided to stay at the sanctuary of my ghosts.

Catch Me NotWhere stories live. Discover now