Chapter 4 : Heaven and Hell

142 31 6
                                    

Serenity

I feel like we're already one step ahead from our past achievements. My teammates are already doing a DNA profiling, and we finally see the culprit in his get up costume.

And that's thanks to one and only, Andryx Soberano, our coroner.

Kahit hindi pa kami sigurado na 'yun nga ang kriminal, malaki ang probability na siya nga, o konektado siya.

"Ang gwapo talaga ni Dr. Soberano."

"Dalawang linggo pa lang siya rito, pero halos lahat ng kababaihang nurse ay nababaliw na sa kanya. Idagdag pa ang mga gay."

"Mukhang pati siguro straight mababakla sa kanya."

Hindi ko maiwasang mapangisi sa mga bulong-bulongan na naririnig ko mula sa tatlong hospital staff. Papunta kasi ako ngayon sa office ni Andryx para sa updates ng kanyang findings.

Nang bumukas na ang elevator ay agad ko ring tinahak ang opisina niya. Nadatnan ko siya na nakatutok sa kanyang laptop.

He's wearing his eyeglasses and his forehead is crumpled. He didn't even realize that I already came in.

I knocked the wall, making him turned to my direction, then his face brightened up.

"Ang busy," I said playfully.

Napahilot lang siya sa kanya sentido. At inayos ang kalat sa kanyang desk.

"Yeah. I have a patient who needs a heart surgery, that's why," he informed me. "Sit." He then gestured the sofa in front.

"Bakit mo pa kasi ginampanan pati ang pagiging coroner? Look at you now."

"It's fine. Gusto kong tumulong," sabi niya at tumayo na. "Here are my findings." Inilapag niya ang dokumento sa mesa.

I read them instantly.

"Lahat ng sugat na natamo ng biktima ay hindi nakaposisyon sa vital points. It means, hindi lang siya binalak patayin. Pinahirapan siya. The murderer wanted her to feel excruciating pain. And she was not naturally raped. Walang bahid ng semen sa loob niya. Her inside is full of bruises, so let's just say, pinasakan iyon ng hindi magandang bagay."

I gulped. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa pagpapaliwanag niya. Sobrang lala ng sinapit ng biktima.

Hindi lang normal na mamamatay tao ang dinadakip namin, kundi isang demonyo.

How can a human do such brutal thing? Only demons can do this thing.

"Her hand was cut off using a sharp blade by the way. And I found same flesh on her trachea. Pinakain sa kanya ang sarili niyang karne."

I gulped. I can feel that my stomach is already turning upside down. Nakakakilabot!

Mabuti na lang at sinalinan ako ni Andryx ng tubig. I breathed hard, trying to get rid of my nausea.

Napatingin naman ako sa kaharap ko.

"Hindi ka manlang ba nasusuka? I mean...it's...too much."

He smiled weakly. "I experienced even worse than that," he said.

Napatitig lang ako sa kanya nang may pagtataka, at the same time, awa. Talaga bang ganito ang naging epekto sa kanya nang pangyayaring iyon?

Then, I suddenly asked myself.

How can he even sleep peacefully?

"May nakita na ba kayong posibleng motibo kung bakit siya ang pinunterya?" pagbasag niya sa katahimikang bumalot sa amin.

I heaved a sigh and shook my head.

"We have compared all the victims, ngunit wala kaming nakikitang koneksiyon. The murderer randomly picked them," I said honestly, with a hint of hopelessness.

Kung malalaman lang sana namin ang pattern ng kanyang magiging biktima, siguro ay mapipigilan naming makapangbiktima pa siya.

"Nasaan na pala ang chief ng buhay mo?" nakangisi niyang tanong.

"Ah. He attended a national conference. He's off for a whole week," pag-iimporma ko sa kanya.

"I see."

"What's your favorite color again?" Naguluhan siya sa naging tanong ko.

"Still, white. Bakit mo natanong?"

"I was just wondering," I said. "Usually kasi diba may pagka-psychopath ang gumagawa nito. I have to see patterns. Based on his attire, I'm assuming that black is his favorite color."

Napatango siya at napaisip.

"That could be. But...how about his killing style? According to the past autopsy, hindi naman magkatulad ang mga findings."

"Exactly. Kaya dumagdag pa iyan. It seems like, whoever the murderer is, he or she is just killing for fun. Like, kung anong trip niya, yun na yun."

"Let's just hope na may mag match sa DNA profiling. That's our biggest hope," he said, getting up already. "My surgical operation is about to start."

Napatayo na rin ako.

"I'll excuse myself then. I need to go to somewhere."

"Where?" taka niyang tanong.

To heaven and hell. I want to say that. But instead, I just said, "somewhere."

***

Kusang tumulo ang luha ko habang kaharap ko ang isang parihabang bato na nakausli sa lupa. Sa gilid nito ay mga tuyong bulaklak na inilagay ko noong nakaraang buwan.

SELENA ASUNCION MONTEVILLA

Iyan ang pangalang nakaukit sa bato. The name of my mother, my beloved mother.

She died almost 13 years ago already, but the agony is still inscribed in my heart. It will never fade, I know.

"Mom, I missed you," I said for the nth time.

Kailan man ay hindi ko malilimutan ang aking ina. She is the most amazing person I met. She loves me beyond compare.

But she left me already.

Kinuha siya akin.

Napaluhod ako at sinindihan ang puting kandila.

"I love you, Mom."

Napatingin naman ako sa katabi nitong bato.

BRYX SMITH MONTEVILLA

My father.

Tumayo ako at dinukot ang isang maliit na garapon. Mariin kong tinignan ang laman nitong likido at agad na binitawan.

The bottle broke into tiny pieces.

Napakuyom ako.

I hope that bottle can remind him how he broke my life.

***

Third Person

Nakapamulsang naglalakad ang isang lalaki sa isang memorial park. Napatigil ito sa harap ng dalawang magkatabing parihabang semento.

ANDALIA TAN SOBERANO

ANTON CHU SOBERANO

Iyan ang pangalang nakasulat sa lapida.

Napaluhod ang lalaki at inilapag na ang puting rosas. Nagsindi rin ito ng dalawang puting kandila.

Napatingin naman ito sa katabi pa nitong dalawang lapida.

Nang nakita niyang papaubos na ang nakasinding kandila sa isang lapida ay napangiti siya. Nalaman niyang dito pala pumunta ang kaibigan niya.

Ngunit pinagtaka niya naman nang ang katabi nitong lapida ay mukhang napabayaan. Wala ring bakas ng kandila at bulaklak sa ibabaw nito.

Nilapitan niya ito at laking gulat niya nang ang nakita niya lang ay mga bubog.

Catch Me NotWhere stories live. Discover now