Ika-19 na Kabanata : THE TRANSFORMATION-Part 2 (The Beginning)

568 20 8
                                    

THE TRANSFORMATION-Part 2 (The Beginning)

Tahimik naming binabagtas ang kahabaan ng EDSA.

Sa loob ng kotse, hindi nagsasalita ang daddy ni Vince kaya ganun din naman ako.

Graveh! Ayoko ng ganito.. Ganun ba talaga silang pamilya? Isasama nalang nila ako kung san nila ako gustong isama?

Dati si Vince.. Ngayon naman ang dad nya..

Oh Lord, help me naman po oh! San ba talaga ako dadalhin ng daddy ni Vince?

Hindi na talaga ako makatiis.

“Ahmmm.. dad?” mahinang pagkakatanong ko.

“Hmm?” sabi nya sabay lingon sakin.

“Pwede ko po bang malaman kung san tayo pupunta at ano po ba talaga ang nangyayari?”

“Don’t worry iha, malalaman mo din mamaya.”

=_=

Mag-ama talaga sila ni Vince.

Maya-maya lang huminto na at nagpark yung sasakyan.

“Anak, we’re here.” Biglang sabi nya sabay labas ng kotse.

Bumaba ako sa sasakyan at nagpalinga-linga kung nasan kami.

Isang Beauty Salon???

Ano namang gagawin namin dito?

“Halika ka na iha.” Muling sabi nya.

“Yes, dad.”

Wow.. Ang ganda at ang laki naman ng salon na toh.

Parang di salon, parang hotel sa laki at ganda nito. The building is all covered by a glass.

Sa di kalayuan naman ng main door ay ang mirrored elevator.

Bumukas ang pinto ng elevator….

OMG! Teka… Si… si… Anne Curtis ba yon??

O_O

My gaaaad! Siya nga.

Kainis.. kung di lang nakakahiya sa daddy ni Vince, magpapapicture talaga ako kay Anne.

Kasi naman.. Ano ba talaga ang ginagawa namin dito?

Sumakay na kami ng elevator at bumaba sa 3rd flr.

Pagbukas ng pinto, bumungad samin si Reena, yung ate ni Vince.

“Hi! Athena, buti nalang at nandito ka na.” Sabi nya sakin sabay yakap.

“Huh? Bakit ate, ano bang meron?” nagtatakang tanong ko sakanya.

“Wait. You mean, hindi mo pa alam kung bakit ka nandito???” nagtatakang sagot din nya sakin sabay lingon sa dad nya. “Dad, bakit di mo pa sinasabi?”

“Ikaw ng bahala mag-explain anak.”

“Ay naku daddy! Kahit kelan ka talaga.. Ok sige po, ako ng bahala.”

“Okay sige. Iwan ko na siya sayo ha? You must surprise us. Okay?”

“Oh, yes dad. Let me handle this.”

“Okay. We’ll see you soon. I love you dear.” Sabi nya sabay yakap at kiss kay Reena.

“I love you too dad.”

Bumaling ng lingon sakin ang daddy nya.

“Don’t worry iha. Everything will be alright. Just have fun. See you soon.” Sabi nya sabay yakap sakin.

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Where stories live. Discover now