Ika-12 Kabanata : Our First Date ^_^

562 15 7
                                    

{VINCE's POV }

Hanggang ngayon masakit pa din ang katawan ko.

Si Athena kasi...

[FLASHBACK]

"Vince." si Athena

"Hmm?" ako.

"Hindi ako makatulog. Ikaw? Natutulog ka na ba?"

"Hindi pa."

"Magkwento ka naman oh." aniya.

"Anu naman ang ikwekwento ko?"

"Hmmm.. Sa buhay-buhay mo."

"Di ba naikwento ko na sayo ang reason kung bakit kami nagkagalit ni daddy."

"Ahhh.. oo nga pala."

Natigilan sya saglit at muling nagsalita.

"Ahmmm... Yung sa inyo nalang ni Veronica." biglang sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi nya.

Sigurado ba syang gusto nyang malaman ang tungkol samin ni Veronica?

"Gusto mo talagang malaman ang tungkol samin ni Veronica?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Bakit may problema ba dun? Gusto ko lang namang kilatisin ang karibal ko sa puso mo." sagot nya.

Nagulat ako sa sinabi nya.

Hindi ko akalaing masasabi nya yon.

"Veronica is special to me. She is my one and only love." panimula ko.

Napatigil ako saglit.

"Oh, bakit ka tumigil? Sige lang tuloy lang, okay lang ako." sabi nya.

"I met her in the plane. Nung una ko syang makita, na-love at first sight na ako sa kanya." dugtong ko. "Hindi ko pinalampas ang mga pagkakataon upang ligawan sya. Then after all hardworks, she finally accepted me as her boyfriend."

Nakahiga ako sa sahig at nakatingin sa kisame habang nagkwekwento.

Si Athena nama'y nasa kama at nakikinig sa kwento ko.

"Our relationship is now 5 years yet she still doesn't want to be married but I want her to be my wife so I will wait her until she says "yes" " napatigil akong muli. "Athena, are you still there?"tanong ko sa kanya.

"Yup." mahinang sagot nya.

Sa sagot nyang yon, feeling ko dinudurog ko ang kanyang puso.

Wala naman akong magawa dahil si Veronica lang ang nag-iisang babaeng mahal ko.

"Ikaw naman ang magkwento. Gusto kong malaman kung pano at bakit kita naging stalker." sabi ko.

Katahimakan ang bumalot sa kwarto.

Hindi sya sumagot sa sinabi ko. Maya-maya pa'y...

"zZZZZzzzzZZZ!!!!" si Athena.

Anak naman ng....

Kaya pala mahina ang sagot nya, nakakatulog na pala siya.

"Sige na nga, matulog ka na. Good night." at pinatay ko na ang lamp shade namin.

Bago palang ako nakakatulog ng biglang........

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Where stories live. Discover now