Ika-17 Kabanata : Crying in the Rain....

568 17 20
                                    

CRYING IN THE RAIN….

{VINCE’s POV}

 Malapit na ako sa Eastwood ng tumawag sakin si Veronica.

***”Vince nasan ka?”***

“I’m driving. Why?”

***“Magkita naman tayo. Namimiss na kita eh.”***

“But I need to meet Athena today.”

***” So mas mahalaga pa ba yang Athenang yan kesa sakin ha? Vince?”***

“Of course not. You’re the most important woman in my life. But…”

***”Then no buts at all. Meet me. Magkita tayo sa Galleria okay? Bye.”***

At bigla na nyang binaba ang phone.

Haaayss.. Ewan ko ba.

Minsan ang mga babae ang hirap talagang Ispellingen.

Wala naman akong magagawa… kapag sinabi ni Veronica dapat mangyari.

Anyways, alam ko namang mauunawaan ako ni Athena kapag sinabi kong hindi na matutuloy ang lakad namin.

Nag-U turn  ako pabalik ng Ortigas para makadating sa Galleria.

Tatawagan ko sana si Athena kaso sakto naman ang timing na empty bat na pala ako.

Hindi man lang ako nakapagcharge kanina.

Naubos kasi kakatawag ko sakanya eh.

Nakalimutan ko pa naman ang connector ko sa isang kotse.

Pano na kaya yan?

Anyways, makikitext nalang ako kay Veronica mamaya pagdating ko.

Pagdating ko sa Galleria. Pinuntahan ko agad si Veronica sa lugar na tinext nya.

“Hi babes.” sabay halik sa pisngi nya.

“Bakit ang tagal mo?” tanong nya na tila ba naiinis.

“Natrapik pa ako eh.”

“Liar. Let’s go!” aniya.

Ano daw??? Liar???

Ano bang problema na naman ng babaeng ito at mainit na naman ang ulo.

“Honey, are you okay?” malambing na tanong ko sakanya sabay akbay ko sa balikat nito.

Hindi siya sumagot at patuloy pa din sa paglakad.

Hindi ko na din siya muli pang tinanong.

Kung san kami pupunta, hindi ko din alam.

Maya-maya’y naalala ko si Athena.

Naku! Malamang maghihintay sakin yun.

“Babes, Can I use your phone? I need to call Athena. Magkikita kasi kami. Malamang maghintay yun sakin. Eh nasabi ko na malapit na ako.”

Kumunot ang noo nya at nagsalubong ang mga kilay ng humarap sakin.

“I don’t have phone. Naiwan ko sa bahay. Hayaan mong maghintay yung cheap na babaeng yun!” galit na galit nyang sagot sakin.

“Hey Veronica! What’s your problem? Di ba napag-usapan na natin toh?”

“Oo! Pero ayokong nakikita lalo na pagkasama mo ako na nag-aalala ka dun sa babaeng yun!” sa mas mataas na boses na sagot nya sakin.

“Fine. Kung ayaw mong pag-usapan si Athena hindi ko na siya babanggitin. So don’t be mad okay?” Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya. Tinitigan at inayos ang buhok sabay halik sa noo nito.

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Where stories live. Discover now