Ika-13 Kabanata : Kilig much! ^_^

517 14 8
                                    

Weekends na naman.

Ang bilis ng panahon.

Two weeks na din magmula ng magsama kami ni Vince...

At two weeks na din ang pagpapanggap namin.

Haayyss.... Kailan kaya matatapos toh???

Sana wag na. Sana lagi nalang ganito....

But....

Every love story there's an ending....

And I hope, our love story will be a happy ending...

Di bale! Kung ano man ang ending namin ni Vince, ang mahalaga ay ang kung ano yung mabubuo samin ngayon.

^_^

Maaga ako nagising.

Kahit two weeks na ako sa bahay nila, hindi pa din maayos ang tulog ko.

Hmmm.. Kasi naman, isipin ko lang na sa isang kwarto kami ni Vince natutulog, kilig much talaga ako.

^_^

Nakakatuwa talaga syang titigan habang natutulog.

"Athena, May problema ba? Bakit mo ako tinititigan?" biglang tanong ni Vince ng mahuli nya akong nakatitig sa kanya.

"Huh.. ahhh.. ehhh.. Hindi naman kita tinititigan. Tinitingnan lang kita kung gising ka na. Sakto namang nagising ka na." palusot ko.

Nginitian nya lang ako, yung tipong nakalolokong ngiti ba.

Problema nitong si Vince.

"Bumangon ka na nga dyan, mamaya pa nyan, biglang pumasok dito ang daddy mo."

"Don't worry, hindi naman basta-basta pumapasok yun sa kwarto ko ng di kumakatok." aniya.

Pasaway talaga, at talagang nanatili syang nakahiga.

Yumakap pa sa malaki nyang unan.

Swerte naman nung unang yun. Sana unan nalang din ako, para gabi-gabi ko syang kayakap.

Ayiieeeehhhh!!!!..

^_^

Ilusyunada ka talaga Athena. Hehehehe

Anyways, it's still early. Pwede pang matulog ulit.

Papikit palang ako ng biglang.....

"Vince! Athena!"sigaw ng daddy ni Vince sabay bukas ng pinto ng kwarto.

O_O

Oh... My...

Lagot na!!!!

Bago pa makapasok ang dad nya, dali-dali akong hinatak ni Vince. Nalaglag ako mula sa kama papunta sa kinahihigaan nya.

Sakto! Pagpasok ng daddy nya....

"Oooopsss! Sorry..."natigilan syang saglit. " Sorry mga anak, hindi ko nman kasi inaasahang hanggang umaga yan... Hmm.. siguro bitin kayo noh??? Extended pa talaga hanggang sahig ang higaan nyo." bigla syang natawa. "Go on. Just finish what you are doing. Hopefully, after that it will be a boy." pangiti nyang sinabi sabay labas ng kwarto.

Amp!

>_<

Nakakahiya.

Anu bang inisip ng daddy nya???

Kasi naman.. Sakto pagapasok nya, nakita nya kami ni Vince na magkapatong...

T_T

WAAAAAHHH!!!!

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Where stories live. Discover now