Ika-20 Kabanata : THE TRANSFORMATION-Part 3 (The Grand Make-over)

597 22 11
                                    

THE TRANSFORMATION-Part 3 (The Grand Make-over)

Day 1.  The hair make-over.

Unang inayos ni Andrea ang buhok ko.

Nilagyan ng kung anu-anong gamot.

Kinulayan, hinot oil, blower, plantsa at kung anu-ano pa.

“Athena, you’re beautiful. Did you know that?” biglang sabi ni Andrea sakin habang ginugupitan nya ang buhok ko.

“Huh?? Nagpapatawa ka ba? Kung maganda ako, sana hindi ako nasa parlor mo di ba?”

“Nope. That’s true. You are beautiful. Sabi sakin ni Reena machachallenge ako na pagandahin ka pero after the inspection I’d done, I found out that you have the real beauty.”

Kumunot ang noo ko.

Hindi ko kasi sya maintindihan eh.

“I don’t understand Andrea.”

“Haaays… Athena, maganda ka talaga. Kulang lang sayo ang mag-ayos. Yung fashion style mo, napag-iwanan na ng panahon. Actually, yung make-over mo hindi nga aabutin ng two weeks. This week or less pa nga kaya ng ipakita ang dyosa mong taglay.”

Ano daaawww???

Ako may kagandahang taglay??? Dyosa???

=_=

Mukhang nahihibang na ata tong baklang toh!

“And more than that, ang kutis mo, no need for make-over. Ang kinis at flawless nya kaya. Ay kainggit ka teh! Wish ko, ganyan din ang kutis ko.” Dugtong niya.

“Hay naku Andrea! H’wag mo na akong bolahin pa. Tanggap ko naman talaga ang hitsura ko noh!”

“Hindi kita binobola girl. Maniwala ka sa sinasabi ng isang beauty expert. Lahat ng iyon ay true!”

“Ok, ok sige na. Sabi mo eh!”

“Parang di ka naman naniniwala eh. Oh siya sige na,I’m done with you’re hair. See it to yourself and judge. Sabihin mo sakin ngayon kung ako’y nagsisinungaling.” Sabi nya sabay ikot ng chair ko paharap sa salamin.

Paglingon ko sa salamin…..

Wow….

Day 2. Facial and Body massage.

After my hair transformation, andito naman kami ngayon ni Reena sa sauna.

Kailangan ko daw toh, para mawala ang lahat ng stress ko sa trabaho.

To be more beautiful and look younger daw.

Haayss.. bakit ba kasi ang dami pang kailangang gawin gumanda lang?

“Athena, after this, magpapabody and facial massage tayo. Then, tomorrow naman sa eye clinic for your eye check-up.” Sambit ni Reena.

Over! Ang dami ko na palang naka-schedule. At wala man lang akong kamalay-malay dun.

“Ok.” Yan nalang ang nasagot ko dahil ala naman akong magagawa.

Haaaysss.. siguro nga, it’s time for me to be beautiful.

Eh ano naman kung gumanda ako di ba?

Anyways, nacucurious din ako kung anong magiging hitsura ko after two weeks.

^_^

Day 3. Eye check-up.

Nasa clinic na kami ni Reena. Hinihintay ang resulta ng check-up.

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Onde histórias criam vida. Descubra agora