☢️ CHAPTER 30☢️

Start from the beginning
                                    

Hinablot niya ang mikropono na nakalagay sa mic stand at tumunog ito ng nakakabingi bago siya nagsalita, “Twilight Dane Medina, I know you're in here. If you can hear me right no--" napatigil siya sa pagsasalita nang tumingin siya sa direksyon ko.

Nagtama ang tingin namin at parang nanlamig ang buong katawan ko sa nagdilim niyang titig.

Walang sabing binigay niya ang mikropono sa DJ na nakatulala pa rin bago siya bumaba ng entablado habang nakatuon ang pansin sa akin. He locks his gaze on me as he approaches.

Napalunok ako nang makarating siya sa harapan ko at ramdam ko ang titig ng mga tao sa paligid namin. Napuno ng kaba ang puso ko at hindi ako mapakali habang nakatitig ako sa kanya.

Walang bakas na emosyon sa mukha niya at hindi ko mawari kung anong nasa isip niya. Hinawakan niya ang pulsuhan ko at walang sabing hinila ako at nagsimula siyang maglakad.

Nahihiya akong yumuko at napatitig sa sahig habang hinihila ako ni Krypton palabas ng bar. Nang makalabas na kami, humarap siya sa akin at marahas na napabuga ng hangin.

"Twilight.  .  ." Matigas ang boses niya ang halatang nagtitimpi siya. His eyes are blazing with fury as he runs a frustrated hand through his hair.

"K-Krypton, anong.  .  ." Hindi ko alam anong sasabihin ko lalo na at hindi ko alam ang eksaktong dahilan bakit siya galit ngayon. Galit ba siya dahil lumabas ako? O dahil hindi ko hinintay ang pahintulot niya bago ako lumabas?

"Twilight?"

Napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Alee. Nilingon ko ang entrance ng Zoela at nakita si Alee na lumabas kasama ang mga katrabaho namin.  Nagtataka silang tumingin sa amin ni Krypton.

Bumalik ang tingin ko kay Krypton na biglang nagsalita. "Tell them we're going home already. We need to talk."

Napabuntong-hininga ako at bumaling kina Alee para magpaalam. "Guys, mauna na ako. Have fun without me. See you next week!"

Nagkatinginan kami ni Alee na inilapit  ang isang kamay sa tainga niya at nakaposisyon ito na parang telepono na na ibig sabihin, balitaan ko siya sa phone para masiguro niya na okay ako.

Kita ko ang pagtataka at kuryusidad sa mga mukha nila habang kumakaway sila sa akin.

"Okay, bye, Twilight!"

"See you!"

"Bye!"

Nginitian ko sila bago ako bumaling kay Krypton na bumalik sa walang emosyon ang mukha niya. Hinila niya ako malapit sa sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Buong biyahe pauwi, walang nagsasalita sa aming dalawa at tanging nakakabinging katahimikan ang bumalot sa  loob ng sasakyan.

Nawala na tuloy ang tama ng alak sa akin at tanging kaba na lang ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Nagsisimula na din akong makaramdam ng lamig dahil sa manipis kong suot at hanggang tuhod na damit.

Pagkarating namin sa bahay niya, hindi na siya nag-abalang i-park ng maayos ang kotse niya. Dali-dali siyang lumabas at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Hinayaan ko lang siyang hilahin niya ako papasok ng bahay hanggang sa makarating kami sa sala.

"Krypton.  .  ." mahina kong tawag sa kanya sabay tingin sa pulsuhan ko na mahigpit niyang hawak. Medyo sumasakit na kasi ito sa sobrang higpit ng pagkahawak niya kanina pa.

Huminga siya ng malalim bago pinakawalan ang kamay ko at tinignan ako na nanlilisik ang mga mata.

"Why the hell did you go out without my permission?!" sigaw niya sa akin at napaawang ang bibig ko.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now