Epilogue

561 15 4
                                    

Athena's POV

"Hi, I'm Mr. Lee, talent manager. So ako ang magiging manager mo"Nakangiting sabi ni Mr Lee. Actually, para siyang bakla dahil sa boses niya at kilos. Maliit lang din siya at medyo may katabaan at malaki din ang tiyan niya.

"Ahm nice to meet you po,sir"Nakangiting bati ko naman.

"Naikwento ka sakin ng mama mo at totoo ngang maganda ka at sigurado akong mas sisikat ka pa lalo sa pag-aartista mo but mas maganda kung magkaroon ka agad ng love team and may napili naman na ako para sayo kaso soon ko pa ipapakilala sayo"Nakangiting sabi ni Mr Lee. Tumayo naman siya sa kinauupuan niya saka lumapit sakin at nagpaikot-ikot sakin.

"Sobrang sikat siya at nakikita ko na sobrang bagay talaga kayong dalawa"Patuloy na sabi ni Mr Lee saka siya bumalik sa kinauupuan niya.

Ngumiti na lang ako sa sinasabi ni Mr Lee.

"Well, parang balak ko munang makasali ka muna sa grupo ng mga babae para mas lalo ka pang makilala at makilala ang pangalan mo pero hindi Athena ang gagamitin mong pangalan kundi magkakaroon ka ng screen name..."

"Anong screen name po?"

"Alaina"

"P-po? A-Alaina?"Taka ko naman sagot na tanong.

"Oo, walang apelyido kundi Alaina lang"Sagot ni Mr Lee.

"Ahm okay"Sagot ko na lang. "Kailangan ko na po pala umalis dahil may taping pa po ako mamayang 4pm"Paalam ko naman sabi kay Mr Lee na manager ko na ngayon.

"Okay, mag-iingat ka, hija"

Umeekstra lang kasi ako ngayon sa mga palabas pero mas maraming nakakakilala sakin at saka nakikilala din siguro nila ako dahil sa commercials.

At ng dahil sa pag-aartista ko nagkaroon ako ng maraming fans at supporters. Nag-eendorse na rin ako ng iba't ibang products at mga brand ng damit at make up.

Mas lalong gumanda ang buhay ko at hindi ko talaga pinagsisihan na maging artista ako.

d^__^b

Lumabas naman na ako ng office ni Mr Lee dahil kanina nga pala pinatawag ako para kausapin niya.

Umalis naman na ako sa Agency na yon at naglalakad na ako ngayon papunta sa parking lot ng bigla naman akong may nakabunggo dahilan para mahulog ang mga dala niyang mga papel.

d>>__<<b

Napaka-careless mo talaga kahit kailan Athena!

"S-sorry hindi ko sinasadya"Paghingi ko ng tawad at isa-isa ko pinupulot yung mga papel na nahulog.

Tinulungan naman niya ako.

"Ahm wala yon Miss, sorry din hehe"Rinig kong sabi nung lalaki. Pagkatapos ko naman pulutin ang mga nahulog na papel saka ko inangat ulo ko at tumingin sa lalaki na yon saka sabay ko inabot yung mga papel na pinulot ko.

Bigla naman ako natulala dahil sa lalaking kaharap ko ngayon na ubod ng gwapo habang nakangiti sakin ngayon. Kinuha naman niya yung papel sakin.

My Badboy LoverWhere stories live. Discover now